Usap-usapang ngayon sa social media ang narinig nilang plano sa kampo ni Maine Mendoza.
Ikakasa na raw ang open letter 3?
Ito ang naging topic ng netizens at fans mula kahapon matapos maishare ang kaganapan ng phenomenal star sa birthday vacation niya sa El Nido, Palawan.
Hindi kasi matapos-tapos ang bangayan ng karamihan kapag kasama ni Menggay ang mga kaibigan niya lalong lalo na si Arjo Atayde.
Madalas na kasing makita ang dalawa na magkasama sa kahit anong okasyon lalo na sa pribadong ganap.
Kaya muling atakihin ng ilan ang AlDub fans at tawaging tanga at kung anu-ano pa.
Buti nalang ang iba sa kanila ay marunong nang lumaban at pinipiling manahimik.
They realize na walang patutunguhan ang pag-aaway at batuhan ng mga maaanghang na salita.
Sa halip ay makakasakit na ito lalo na sa kanilang dalawang idolo na pinaglaban na sina Alden Richards at Maine.
Kaya sabi nila, kung sa OL 1 ay nagugulat sila at sa OL 2 ay iniyakan, ngayon kung darating ang OL 3 ay dedma nalang sila.
They still wait sa tamang panahon nila Tisoy at Menggay.
As long as wala pang ikinakasal in public sa totoong buhay, then mananatili silang umaasa na darating ang panahon para sa idolo nila.
Ikaw, kung may open letter 3, ano ang magiging reaksyon mo?