Nagkagulo recently ang mga fans nila Alden Richards at Maine Mendoza sa social media matapos malamang ito ang ginawa ng GMA network sa idolo nila.
Nabalitaan kasi nilang hindi matutuloy ang pagbabalik tambalan ng dalawa this 2020 matapos humadlang diumano ang iilang Big Boss ni Tisoy.
Nang dahil sa panghaharang na ito tuloy nag-iba ang ihip ng hangin sa nasabing network at itatambal sa iba ang aktor.
Ang napabalitang makakasama ni Alden sa next project niya ay sina Julie Ann San Jose at Catriona Gray.
Para sa proyektong pagsasamahan nila Julie at Asia’s Multimedia star ay ang napabalitang ipapalit sa Sunday PinaSaya.
At kay Alden naman at Catriona ay isang bagong teleserye.
Maraming fans ang nadismaya sa nasabing balita.
Tila wala ng pag-asa pa na magsasama ulit ang AlDub.
Sabi pa nila, talagang gagatasan pa nila ang solo projects ang Pambansang Bae.
Hihinto lang siguro sila kung wala na silang makukuha sa binata.
Sa ngayon, hindi pa kumpirmado ang balita at maraming fans ang nagdasal na sana ay ibalik ng channel 7 ang ALDUB/MAICHARD loveteam.
Ano ang masasabi ninyo kung itutuloy ang GMA ang naturang tambalan?