Muling ipinakita nila Alden Richards at Maine Mendoza ang level ng kanilang relasyon sa
pamamagitan ng ginawa nila silently para sa isa’t isa.
Kung noong nakaraang buwan ay todo suporta si Menggay kay Tisoy para sa pelikulang Hello Love
Goodbye, ngayon naman ay may ginawang palihim ang binata to support sa movie ng dalaga with
Carlo Aquino.
Kamakailan lang ay tumulong na ang Asia’s Multimedia Star sa Box Office Queen sa
pagpo-promote ng pelikula niya with Carlo Aquino.
Sa event na pinuntahan ni Alden kamakailan lang ay nananawagan ang binata na suportahan
ang pelikula ni Meng na ipapalabas sa sinehan this October 16.
Kinilig ang mga tao sa narinig nila galing sa Kapuso aktor.