Featured
Kim Chiu: On The Road to More International Acting and Media Success
Best Drama Actress: Kim Chiu for “Linlang,” TV5 and A2Z in PMPC Star Awards for TV awards Best Primetime TV Series Kim Chiu, the celebrated ...
Advertisement
Alden Muling Ibinuking Ang Sarili Sa Interview, Inamin Ang Always Na Ginawa Nila Ni Maine
Kinilig na naman ang ADN sa nabasa nilang bagong interview ni Alden Richards.
Muli kasi itong nadulas at ibinuking ang sarili tungkol sa palaging ginagawa nila ni Maine Mendoza.
Sa recent niyang interview ng aktor sa philstar.com, sinabi ng Asia’s Multimedia Star na very proud siya sa kanyang on-screen partner sa paganap nito bilang Mara sa pelikulang Isa Pa With Feelings.
Inamin din ng binata na palagi silang nag-uusap ng dalaga at happy siya na nakatrabaho na ni Menggay ang iba pang aktors sa industriya.
Nang dahil sa pag-aming ito, muling nabuhayan ang AlDub nation.
Kampante sila na kahit hindi nila palaging nakikita ang mga idolo nila, may communication pala.
Ang tanong lang nila, paano silang palaging nag-uusap kung hindi sila nagkikita?
Hindi naman halos mapag-abot ang dalawang idolo nila kahit sa Eat Bulaga dahil busy ito sa kani-kanilang mga proyekto.
Kung hindi sila nakitang magkasama, aba baka may ninja moves na namang ginawa sila Alden at Maine kaya masabi ni Tisoy ‘yun.
Ang iba naman ay baka text or call sila nag-uusap.
Pwede ding video call o kahit anong way nila.
Ang importante ay may communication sila at mali ang mga ibinintang ng iba sa kanila lalo na ang mga bashers at trolls nila.
Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?
EB Host Hindi Nakapagpigil Inamin Ang Nangyari Sa Pagtagpo Nila Alden At Maine
Muling inaalala ng AlDub Nation ang Tamang Panahon kahapon Oktubre 24, ang unang tagpo nila Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena noong 2015.
Nalungkot sila dahil hindi man lang naaalala ng Eat Bulaga ang ika-4 na anibersaryo sa nasabing okasyon.
Hindi rin buo ang AlDub kahapon dahil si Maine lang ang dumating sa APT studio at wala si Alden.
Hindi rin bumati si Menggay sa mga ADN kaya sinabi nilang tuluyan nang nakalimutan ng EB Dabarkads ang AlDub Tamang Panahon na nagbigay sa kanila ng kasaysayan.
Buti nalang may isa sa mga host ang nakaalala nito.
Walang iba kundi si Allan K.
Sa kanyang Twitter account kagabi sinabi niya sa kanyang post na Four years ago today Tandang tanda ko pa sa philippine arena ang Eat Bulaga Maraming nagiyakan pati ako sa first time pagtatagpo ng Aldub Four hour show na walang commercial. Gumawa ng napakaraming records pati dito sa twitter Aldub fan pa rin pala ako forever yan!
Nang dahil sa nasabing post, marami ang nagpapasalamat sa komedyante.
Salamat kasi hindi niya nakalimutan ang nasabing history.
Malaking parte naman talaga si Allan sa buhay ng AlDub.
Siya kasi ang unang nakakita sa chemistry noon nila Alden at Maine kaya nabuo ang loveteam nila.
Marami man ang nagbago, ngunit they are thankful na ang taong ito ang hindi pa rin nakalimot at AlDub fan pa rin hanggang ngayon.
Samantala, dumepensa rin ang ilang fans sa hindi pagbati nila Alden at Maine.
Sabi nila, hindi naman siguro nakalimutan, nagkataon lang na busy sila ngayon sa kanilang project individually.
Si Menggay ay patuloy na nagpopromote sa pelikula niya with Carlo Aquino at si Tisoy naman ay busy sa teleserye niyang The Gift.
Nanay Dub At Tatay Dub Naging Civil Lang Pala Kay Arjo Atayde Kahit Hindi Gusto Para Kay Maine Mendoza?
Matapos kumalat ang mga larawan ni Arjo Atayde kasama si Maine Mendoza at pamilya ng dalaga, ito na naman ang lumabas na balita.
Hindi pala natuwa sina Nanay Dub at Tatay Dub nang makita ang binata sa kaarawan ng apo nila?
Ngunit pilit daw itong naging civil para hindi masira ang karera ng anak nila.
Ito ang naging usap-usapan ngayon ng mga netizens matapos mapabalitang ito ang tunay na nangyari sa mismong event na yun na naganap recently.
Isang malalapit sa pamilya raw ang nagbunyag sa nasabing kwento pero ayaw lang pangalanan ng isang fan.
Noon pa man ay bali-balita nang hindi gusto ng magulang ni Maine ang Kapamilya aktor.
Isa raw itong rason kaya nagsalita noon ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.
Takot ang pamilya nila na masaktan ito dahil sa kaliwa’t kanan na intriga matapos ibinunyag ng dalawa na exclusively dating sila.
Ayon naman sa ibang netizens, kung totoo ang balita na hindi nagustuhan nila Nanay Dub at Tatay Dub si Arjo, may karapatan naman sila dahil sila ang may alam kung ano ang ikabubuti sa anak nila.
Natural sa mga magulang na magiging protective ito sa kanilang mga anak.
Kaya tama at saludo raw sila sa pagiging parents ng magulang ni Maine.
Kitang-kita naman sa ebidensya sa kanilang mga anak.
Samantala, ang iba naman ay ayaw maniwala sa kwentong ito.
Isa na naman ito paninira sa mga Mendoza family.
Bakit hindi nalang tanggapin kung ano ang nakikita nila ngayon na nakakapagpasaya sa idolo nila?
Di ba ‘yan ang tunay na fan?
Misteryo Sa Kalyeserye Wedding Nila Alden Richards At Maine Mendoza Unti-Unti Ng Ibinunyag
Ngayong araw October 24 ay muling ipinagdiwang ng AlDub Nation ang Tamang Panahon nila Alden Richards at Maine Mendoza.
Muli nilang binalikan ang mga kaganapan sa nasabing okasyon na nangyari noong 2015 sa Philippine Arena.
Nang dahil kasi nito ay ikinasal ang phenomenal loveteam after a year dated October 22.
Kaya muli na namang napag-usapan ng netizens ang makatotohanang wedding ng dalawa.
Hanggang ngayon kasi ay misteryo pa rin sa kanila ang mga detalye sa nasabing kasal.
Huwag Mag-assume Na Mensahe Ni Maine May Kinalaman Sa Photo Ni Arjo At Pamilya?
May kahulugan pala ang ibinigay na mensahe ni Maine Mendoza posted on Twitter recently.
Ayon sa iilang netizens, may kinalaman ito sa photo na kumakalat sa social media kung saan ay nakasama niya si Arjo Atayde sa kaarawan ng pamangkin na si Baby Aria.
Ayon sa kanila, sa tono ng mensahe ni Menggay, tila dinideny niyang muli na may kaugnayan sila ng Kapamilya aktor.
Hindi naman porke’t may larawan, ‘yun na ang katotohanan nito.
Pwede namang, lakad kaibigan lang o kaya’y nagkataon na ‘yun ang nangyari.
Kahit ano pa man ang makikita, sana ay huwag bigyan agad ng conclusion.
Kaya nasasaktan tayo dahil sa maling interpretasyon ng mga bagay na nakikita kahit hindi alam ang kabuuang story nito.
Kaya na sabi ni Maine na Ehhh kasi aminin natin minsan nagaassume tayo na NANDOON na (Eh keshe nemen sila eh!) Heist, the importance of DTR
Sabi naman ng iba, huwag masyadong paniwalain.
Nagpopromote lang ang phenomenal star sa kanyang movie kaya napa- post siya ng ganyang mensahe.
Hindi ‘yun connected sa personal na buhay niya.
Kaya nga may karugtung ang nasabing message niya saying, Pero iba naman yung case ni Mara and Gal Sa mga hindi pa nakakapanood, #IsaPaWithFeelings6thDay today!
Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito?Ehhh kasi aminin natin minsan nagaassume tayo na NANDOON na. (Eh keshe nemen sila eh!) Heist, the importance of DTR!— Maine Mendoza (@mainedcm) October 21, 2019
Pero iba naman yung case ni Mara and Gali. Sa mga hindi pa nakakapanood, #IsaPaWithFeelings6thDay today! https://t.co/Jv96lGv90d
Subscribe to:
Posts (Atom)