Featured

Kim Chiu: On The Road to More International Acting and Media Success

Best Drama Actress: Kim Chiu for “Linlang,” TV5 and A2Z in PMPC Star Awards for TV awards Best Primetime TV Series Kim Chiu, the celebrated ...


Advertisement

Arjo Atayde Ipinatapon Na Ng Ina Sa Ibang Bansa Para Makaiwas Na Kay Maine Mendoza Ang Katotohanan


Muling pinag-usapan ng netizens ngayon ang napabalitang diumano’y pagharang na ng ina ni Arjo Atayde sa pakikipagrelasyon kay Maine Mendoza.

Matapos ang birthday celebration ng anak noong November 5, pumutok ang balitang ipapadala ang Kapamilya aktor sa US para makaiwas na ito sa dalaga.

Natakot kasi raw ito na mapabayaan ang karera ng anak dahil always itong nakabuntot sa Phenomenal star.

Baka sa pagiging sunud-sunuran nito ay masasaktan lang sa huli.

Kaya ito ang napagdesisyunan ng pamilyang Atayde.

Una nang nagsalita noon ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

Talagang nag-alala raw siya sa kanyang kuya dahil ngayon lang siya nakakitang nagkaganito ang kapatid sa isang babae.

Ngunit kinontra ito ng ibang fans.

Ang idolo nila ang dapat mag-ingat at lalayo sa pamilyang Atayde.

Hindi raw ito nakakabuti para sa dalaga.

Wala mang malinaw na detalye kung totoo ba ang lahat ng ito pero iisa lang ang hiling ng mga taong tunay na nagmamahal kay Meng, take care sa puso mo.

Sana madiscern mo ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmalasakit sa pagkatao mo.

Ikaw ano ang masasabi mo sa isyung ito?

Actress Sobrang Patay Kay Alden Richards Nakitang Pilit Na Dinideskartehan In Public


Muli na namang binatikos ng netizens ang aktres na ito dahil panay dikit kay Alden Richards kahit in public.

Simula pa lang ng kanilang project ay nakitaan na ito na may interest sa binata.

Ang tinutukoy nila ay si Mikee Quintos.

Ayon sa mga nakakita recently, ang dalaga raw ang hahanap ng paraan para mapansin ng Asia’s Multimedia Star.

Hindi sila nagandahan sa ganong ugali niya.

Kahit nga sa social media ng akres ay panay ang kanyang mga parinig kay Tisoy.

Kaya mas lalong gigil na gigil ang ilang fans kay Mikee.

Sabi nila, kaya nababash ka dahil  sa mga ginagawa mo.

Bigyan mo rin ng konting respeto ang pagkababae mo.

Ngunit sa kabila ng mababatikos ng ilan kay Mikee, may dumepensa din sa kanya.

Sabi nila, super kulet lang talaga ang dalawang iyan kahit sa set ng the gift.

Kampante kami dahil may boyfriend si Mikee at si Alden naman ay may karapatan ding lumigaya.

Sana ay huwag agad manghusga ng kapwa kung hindi mo naman alam ang buong kwento ng mga nakikita mo.

Sana ay makakita na rin ng tamang babae si Tisoy para hindi magiging malamig ang pasko niya kahit papaano.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens tungkol sa isyung ito.

Gemma Capanzana - Nakita ko rin yan Nagulat nga ako Mismo sa harap ni Alden Tapos sumubsub pa nga mukha ni Alden sa braso ni Miki.

Cairon Macalunang - Halata talaga si mikee mapa eat bulaga at sa mga promo nila sa ibang lugar inaakit nya si alden parang si atayde kay maine

Sweet Maiden - Diyan Kayo Magaling Bash lang ang Alam Ikakaasenso niyo yan Halatang gusto lang siraan ang isang Artista Kahit marami pa FC niyo tandaan niyo Bilog ang Mundo Di niyo kase naiintindihan na matagal ng wasak ang Aldub kase may Arjo na si Maine Move on din pag may time Di naman Pala si Mikee ang Problema Kundi ang utak ng Fans nakakaawa naman kayo!

Leonita Espedido - May boyfriend si mikee guys kalaro pa ni Alden ng mobile legend sa set ng the Gift sa picture lang yan tingnan na nakapatong kamay ni mikee sa hita pero sa personal malayo yan close lang talaga sila Alden at Mikee tigilan nyo na si Alden at Mikee mahiya naman kayo masyado kayong bitter may pinag aralan yan si mikee sa UST yan nag aaral architecture ang course nyan may breeding si mikee kaya hwag nyo cyang igaya sa inyong mga fans na kulang sa pansin.

Maine Mendoza Humingi Ng Sorry Ni Alden Richards Napilit Lang Pala Siyang Gawin Ito


Isa na namang balita ang gumulantang sa social media tungkol sa nagawang ito ni Maine Mendoza kay Alden Richards.

Napilitan lang pala ang dalaga na gawin ito dahil sa isang kontrata?

Ang tinutukoy ng netizens ay ang larawan na pino-post ng phenomenal star noong November 5 sa kanyang Instagram account.

Ito ang photo nila Arjo Atayde na may caption na ‘Happy Birthday’.


Marami ang natuwa ngunit marami din ang bumatikos sa dalaga.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang malaman nila ang katotohanang ito.

Hindi pala masaya si Meng habang pinost niya ang nasabing larawan.

Lumabas kasing napilitan lamang siya at walang choice ng dahil sa isang kontrata.

Ang sinasabing contract ay ang Isa Pa With Feelings movie with Carlo Aquino.

Napag-utusan lang daw siya ayon sa isang source.

Kaya dapat ay hindi agad husgahan ang Dubsmash Queen sa kanyang nagawa.

Nag-sorry na nga ito kay Tisoy at naunawaan naman ng binata.

Kaya ang pag-post ni Meng ay may basbas ni Alden.

Ang tanong ngayon ng ilang netizens, bakit kasama si Arjo Atayde sa contract ng pelikula kung hindi naman siya kasama sa mismong movie.

Sobra na talaga ang pinagagawa nila kay Menggay.

Bakit hinayaan ito ng pamilyang Mendoza?

Ngunit ang mga ArMaine ay naninindigan na nagawa lang ito ni Meng dahil mahal niya si Arjo.

Na dapat ay tanggapin nalang at huwag nang bigyan ng ibang isyu o kahulugan base sa gusto nilang paniwalaan lalo na ang ADN.

Ikaw, naniniwala ka bang napilitan lang si Meng na gawin ito for the sake of a contract?

Ang nasabing larawan ay isa lamang throwback photo sa kanilang trip noon sa Taiwan.

Matagal Na Palang Alam Ni Alden Richards Na Engage Na Si Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli



Marami ang masaya ngayong araw lalo na ang mga fans nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang malamang engage na ang dalawa.

Ang balitang ito ay agad kumalat sa social media matapos magpost ng photos ang aktor kung saan ay suot ng Popstar Princess ang isang diamond ring.

Hindi man nagconfirm ang dalawa hanggang ngayon tungkol dito ngunit kinumpirma naman agad ito ng kapatid ni Matteo na si Paolo.

Ang nasabing engagement ay nangyari na pala one year ago pa.




Nang dahil dito, bumuhos ang mga pagbati ng mga netizens lalo na ang mga fans ng dalawa.

Aside from them, bumati din ang mga artistang kasama nila sa industry.

Ang inaabangan ng lahat ngayon ay ang pagbati ni Alden Richards kay Sarah.

Ngunit alam na pala niya ang lahat dahil naging magkaibigan din sila at nagkasama sa Cebuana project.

Ayon sa fans nila, siguradong kinilig ang Asia’s Multimedia Star sa nangyari ngayon ng kaibigan.

Umaasa din ang ilan na darating ang araw na mangyayari din ito kina Alden at Maine Mendoza.

Unang nag-admit sila Mat at Sarah sa relasyon nila noon 2014 matapos ang higit isang taon bilang officially couple na sila.

Lahat ay nakaabang talaga sa kanilang relasyon hanggang ngayon.

Kaya happy ang lahat na sa wakas ay magiging happily ever after na sila soon.

EB Host Ibinunyag Na Ang Totoong Nangyari Kina Alden Richards At Maine Mendoza Sa Vatican


Sa kabila ng mga di magagandang nangyari ngayon sa ALDUB at AlDub Nation, muling nabuhayan ang ilan sa muling nalaman nila about sa nangyari kina Alden Richards at Maine Mendoza habang nasa Vatican.

Muli kasi itong pinag-usapan nang mga netizens nang magsalita ang isang fan tungkol dito.

Ayon kay Mila Cambal, Heto ang pinagtatakhan ko Mumshie was never seen na nagmamano sa kuya wally nya bakit all of a sudden nagmano sya after Holy Land/Vatican Ur guess is as good as mine MAICHARD IS REAL.

Ang tinutukoy ng ADN fan ay ang videong ito.



Marami naman talagang nag-iba matapos ang pagbisita nila Alden at Maine sa nasabing lugar.

Ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang lahat.

Isa lang ang makakapagpatunay ng katotohanan, walang iba kundi si Wally Bayola.

Siya lang kasi ang taong pinaka-close sa dalawa lalo na kay Meng maliban pa sa ibang Dabarkads.

Sa umpisa kasi ay naging malapit na sina Wally at Menggay nang dahil sa role nila noong Kalyeserye pa.

Kaya hindi na bago ito sa lahat kung ikumpara mo ito kina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Pero kahit hindi pa man nagsalita ang isa sa mga komedyante ng Eat Bulaga, halatang may nangyaring sekreto talaga dahil sa mga kinikilos nila ayon ng ilang netizens.

Kaya panawagan ng totoong ADN, huwag magpaapekto sa mga nangyayari ngayon sa phenomenal loveteam.

Hintayin ang tamang panahon habang inaayos pa ang lahat.

Pumutok na ang isyung ito noon ngunit hanggang ngayon ay nananatili itong mahiwaga sa lahat lalo na sa mga ADN.

Ikaw, naniniwala ka bang kasal na talaga sina Alden at Maine?

Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *