Featured

Kim Chiu: On The Road to More International Acting and Media Success

Best Drama Actress: Kim Chiu for “Linlang,” TV5 and A2Z in PMPC Star Awards for TV awards Best Primetime TV Series Kim Chiu, the celebrated ...


Advertisement

Black Jaguar Spotted Si Maine Ang Sinundo Sa Daddy’s Gurl Taping Alamin Kung Sino Ang Dumating


Muli na namang pinag-usapan ng mga netizens si Maine Mendoza matapos mabalitaang may sumundo sa kanya recently sa taping ng Daddy’s Gurl.

Naka-black Jaguar pa raw ang nasabing tao ayon sa nakakakita.

Narito ang katotohanan sa nasabing kwento.

Noong Tuesday ay nasa taping ang phenomenal star para sa taping ng sitcom niya with Vic Sotto.

Ito naman talaga ang araw kung saan gagawin nila ang next episode ng nasabing show.

Kitang-kita sa mga larawan na super saya ang dalaga habang kasama ang katrabaho niya o ibang cast ng programa.

Nakita din ng netizens na bumalik na si Chichirita sa nasabing show.

Matatandaang bigla siyang nawala at may isyu pang lumabas na diumano’y spy ito ni Arjo Atayde.

Kaya maraming fans na nagre-request na tanggalin na ito sa nasabing show.

Samantala, marami na namang fans ang nagulantang na may itim na ferrari ang sumundo kay Menggay matapos ang taping niya.

Hindi raw’ng nila masyadong nakita kung sino ang nagdrive nito dahil nakatint ang nasabing sasakyan.

Ayon sa iba, baka driver lang ito nang mga Mendoza.

Ngunit ang ipinagtataka nila ay kung bakit parang nagmamadali si Maine na umalis sa venue at inililigaw pa ang mga fans na nandoon at sumakay sa nasabing sports car.

Hinala ng iba, baka si Tisoy ang sumundo niya.

Kasi kung driver lang raw ito, bakit sa harapan siya umupo.

Aside from that scene, kitang-kita din ng karamihan na muling isinuot ni Meng ang ring na diumano’y bigay ni Alden.

Kaya karamihan sa mga netizens ay nagsasabing si Richard Faukerson Jr nga ang sumundo sa aktres.

Ano sa paningin ninyo ang katotohanan nito?

Daddy Bae Binasag At Pinamukha Ang Isang Basher Ni Alden Richards



Isang basher na naman ang binasag ni Daddy Bae, ang ama ni Alden Richards nang binagyang  malisya ang isang post ng anak na ibinahagi sa social media kamakailan lang.

Hindi kasi natuwa ang isang netizen sa larawan ni Tisoy saying, Blessed with this bunch! Swerte ako sa inyo.

Ang nasabing photo ay kuya sa birthday celebration ni Alden sa Enchanted Kingdom kasama ang kanyang mga fans.

Feeling ng netizen insensitive ang aktor sa post niya dahil maraming tao ang apektado sa Taal volcano eruption kasama na ang lugar niya.

Sabi niya, #taalvolcanoeruption2020 MUNA ALDEN, panahon muna ng pakikidalamhati SAYANG NAMAN ang pagiging maka-DIYOS mo Bukas mo na lang ulit buhati ang grupo mo kasama na sarili mo. BAYANIHAN muna para sa #PrayForPhilippines #TaalVolcanoAshfall Huwag muna pabida at pabibo kung maari lang.

Kaya to the rescue ang ama ng Asia’s Multimedia Star.

Sabi ni Daddy Bae Isang tao palang yan boss, kahapon 7:15 ng umaga kahit malayo siya dun sa dapat mabigyan ng tulong, may ginagawa na yan. Thank you.

Ang nasabing response ng ama ni Alden ay sinamahan niya ng photo as evidence sa communication nila ng anak tungkol sa pagbibigay tulong sa nasalanta sa pagbuto ng bulkang Taal.

Kung ikaw ang nakabasa sa post ni Alden, ano ang magiging reaksyon mo?

Bonggang Business Ni Maine Mendoza Ibinunyag Na Ipagtapat Ba Sa Concha’s Ni Alden Richards?


Bagong taon, baong business na naman ang gustong i-open ng Kalyeserye Sweetheart na si Maine Mendoza.

Muling pinag-usapan ang ang dalaga sa social media matapos magtweet recently na naghahanap siya ng commercial space sa bandang Quezon City.

Agad namang nagreak ang iilang fans at netizens at sinabing tutulong sila sa paghahanap ng commercial space para sa kanya.

Sabi naman ng iba, aba, parang may posibilidad na may itatayong muli si Meng na McDonalds sa nasabing lugar at kung magkakataon ay magiging tapat ito sa Concha’s Garden Cafe ni Alden Richards.

Alam naman ng lahat na may negosyo ding inilagay si Tisoy sa QC noong 2016.

Ito ang pangalawang Concha’s na itinayo ng binata matapos ang Tagaytay.

Kung magkatotoo ito, then, magiging happy ang lahat lalo na ang mga fans nila.

Talagang maswerte ang dalawa sa kani-kanilang negosyo.

Sila lang ang mga artista na as early sa kanilang panahon sa showbiz ay may mga negosyo na.

Kaya mas lalo silang dapat tularan ng iba.

Tama naman kasi ang ginagawa nila sa kanilang nakukuhang income bilang artista.

Tinatayo ang negosyo dahil alam nilang darating ang araw na hindi na sila sikat at magiging mahina na ang income nila.

As early as now, mas mabuting itatayo ng negosyo at may taong mapagkakatiwalaan para dito.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Tama Na, Sobra Na! Sigaw Nila Alden Richards At Maine Mendoza Bakit Kaya?


Mas lalong gumulo ngayon ang buhay nila Alden Richards at Maine Mendoza nang dahil sa mga nangyayari sa paligid nila.

Nasasaktan kasi sila sa mga ipinapagawa ng dalawang network sa kanila.

Nadamay na at nasaktan hindi lang ang mga fans kundi pati na rin ang pamilya nila.

Kaya ang sigaw ng dalawa ngayon ay TAMA NA, SOBRA NA!

Ito ang kwento ng iilang malalapit na tao sa phenomenal loveteam.

Sobra raw’ng nasaktan ang dalawa sa mga nangyayari ngayon sa karera nila na pati personal life ay nadamay na.

Ang lahat na ito ay nangyari matapos hindi pa rin magkasundo ang bawat panig tungkol sa proyektong pagsasamahan sana nila.

Iba pa kasi ang plano ng network para kay Tisoy.

Gusto pa nilang magsosolo muna ang Asia’s Multimedia Star at ipares sa ibang aktres at hindi kay Meng.

Kahit nakibagay naman sila sa kagustuhan ng management ngunit naiipit pa rin raw sila sa mga kaliwa’t kanang isyu.

Ayon naman sa mga fans, sana naman ay pagbigyan na ang kahiligan nila na naipangako din ng mga big boss.

Kung pera lang naman ang pag-usapan, pagdating sa dalawang idolo nila ay todo bigay naman sila.

Sana ay magbigayan nalang ang lahat para happy na rin ang lahat.

Kung ipagpatuloy naman nila ito, babalik din sa kanila ang ang lahat na ginagawa nila.

Sana lang ay huwag nang madamay pa sila Alden at Maine pag ganoon pa din.

Tantanan na sila sa mga isyu at huwag nang idamay pa ang mga mahal nila sa buhay at personal life nila.

Ano ang masasabi mo sa usaping ito?

Joey De Leon Hindi Na Nakatiis Sa Nangyari Kina Alden At Maine Kaya May Pinaparinggan


Kamakailan lang ay naging trending topic na naman ang Henyo Master na si Joey De Leon sa social media nang dahil lang sa simpleng reaksyon niya sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga.

Pero ang hindi nagetover ng iilang fans ay ang comment niya tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Tila hanggang ngayon ay hindi niya nagustuhan ang nangyayaring pagbuwag sa dalawa.

Kaya nagparinig nalang siya saying na kahit sa aso ay magkalayo pa rin sila.

Kung hindi nga nakagetover ang TVJ hanggang ngayon, fans pa kaya?

Siguro wala lang talaga silang boses pagdating kina Tisoy at Menggay.

Hindi kasi sa kanila nakacontract si Alden kaya wala silang magawa kung ito ang management decision sa side ng aktor.

Sana ay ipagdasal nalang na darating din ang araw na muling magsasama ang dalawa sa iisang proyekto gaya ng dati.

Sa ngayon parang imposible kasing mangyayari ito lalo na ngayon na planong ibalik ng GMA network ang tambalan nila Alden at Julie Anne San Jose.

Si Maine naman ay masaya na sa solo project niya kasama si Bossing Vic Sotto.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa nangyari ngayon sa karera nila Alden at Maine kasama ang ibang katrabaho?

Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *