Featured

Kim Chiu: On The Road to More International Acting and Media Success

Best Drama Actress: Kim Chiu for “Linlang,” TV5 and A2Z in PMPC Star Awards for TV awards Best Primetime TV Series Kim Chiu, the celebrated ...


Advertisement

Totoo Pala Na May Pa-birthday Date Si Alden Kay Maine Nahuli Ni Bossing Vic Sotto


Naging iba’t iba ang reaksyon ng netizens nang hindi dumating si Alden Richards sa Eat Bulaga noong kaarawan ni Maine Mendoza.

Sabi nila, bakit biglang nag-iba ito kung noon ay abala ang binata sa kaarawan ng dalaga?

Gumastos pa ito ng malaki sa unang birthday ni Menggay noong nagrent ng private plane just to surprise her sa Boracay.

Bakit nag-iba na ang lahat ngayon?

Ito ang mga katanungan nila sa social media kahapon March 4 nang makita nila si Tisoy sa Eat Bulaga isang araw matapos ang nasabing selebrasyon.

Ngunit bigla nalang natahimik ang lahat nang matanong ito ni Vic Sotto live on TV tungkol sa isang bagay na labis na ikinakaba nya.

Pinawisan ang Asia’s Multimedia star sa tanong Bossing dahil dinahan-dahan pa ng huli ang pagsasalita niya at nakafocus pa sa kanya ang camera.

Hindi man diriktang sinabi ng komedyante, ngunit isang netizen ang nagsabi na nasundan pala si Tisoy at Menggay nila Vic at Pauline.

Magkasama raw ito sakay sa bagong Ferrari at kumain sa isang restaurant.

Tila may katotohanan naman ang sinabi ng taong ito.

Kung matatandaan ay naipost pa nga ni Alden ang bago niyang sasakyan sa social media.

Wala nga lang ebidensya kung talagang magkasama sila ni Maine.

POV:

Para sa akin, hindi big deal na magkasama man sina Alden at Maine bago o matapos ang kaarawan ng huli recently.

Hindi man natin nakikita o wala man tayong resibo, for sure naman ako na may ginawa pa rin si Tisoy para sa kaarawan ni Menggay.

As what he said before sa panahon ng Kalyeserye days, magbabago man ang lahat ngunit hindi magbabago ang ALDUB kahit kailan.

Kaya naniniwala pa rin ako na hindi man magkasama ang dalawa as what we wished on that day, for sure may pa-sorpresa pa rin si Alden kay Maine.

Ikaw ano ang opinyon mo tungkol sa usaping ito?

[VIDEO] APT Dinumog Ng Fans, Cakes At Regalo Dumating Para Sa Kaarawan Ni Maine Mendoza


Super saya ngayon ang lahat sa Eat Bulaga dahil sa selebrasyon ng kaarawan ng nag-iisang Maine Mendoza.

Early pa lang today ay dinagsa na ang APT sa maraming fans ng dalaga dala-dala ang kanilang regalo at cakes.

Ito ang nakagawian na ng lahat every birthday ni Meng mula nang naging parte ito sa showbiz.

Kaya ngayon muling napuno na naman ang studio ng tao at cakes na galing sa iba’t ibang grupo.

Sabi pa ni Jose Manalo, “Mga taga hanga ni Meng magpadala naman kayo ng cakes!”.

Aside from fans, nagpadala rin ng cakes at chocolates ang mga company kung saan ang phenomenal star ang kanilang endorser.

Isa itong paraan nila ng pasasalamat dahil sa magandang feedback ng kanilang products mula ng naging endorser nila ito.

Samantala, sa unang pagkakataon natunghayan din ng live audience ang pag-awit sa bunsong kapatid ni Menggay na si Dean Mendoza.

Naging special kasi ang panauhin nila sa “Bawal Judgmental” segment ng EB.

Marami ang kinilig sa magandang boses ni Dean.

Nang dahil dito, napasigaw at napatayo nalang ang mga audience habang inaawit niya ang Hanggang Kailan by Orange and Lemons.

Narito ang ilan sa mga eksena ngayong araw sa selebrasyon ng kaarawan ni Maine.






Kaya Pala Sobrang Higpit Ang Pagkabantay Nila Tatay Dub At Nanay Dub Kay Maine Nang Dahil Sa Nangyaring Ito


Ito ang nadiskubre ng mga netizens at fans ni Maine Mendoza kahapon sa grand launching ng MAC lipstick niya sa SM Mega mall kahapon March 1.

Super higpit raw ang pagbabantay nila Tatay Dub at Nanay Dub.

Hindi na basta-basta makalapit na kahit sino lalo na’t hindi ka parte ng event.

Kaya ito ang naging rason na super successful ang MAC event niya.

Hindi tulad noong isang Linggo na puno ito ng gulo at pagkadismaya ng lahat at inilabas nila sa social media.

Sabi pa ng ilan, tila natuto na ang pamilyang Mendoza sa nangyari.

Sana alam ‘yan sa mga taong mahilig mag-gate crash ng event para masira ang pagkatao ng phenomenal star.

Sana din raw ay natuto na rin ang MAC.

Kung gusto ninyong maubos ang product ninyo na iniindorso ni Meng, dapat alam ninyo kung sino ang kalaban ng ADN.

The more ninyo sila pagbigyan, the more sila tutulong.

Makakaasa kayo na ibabalik nila ‘yan sa inyo na walang limitasyon.

Super protective kasi ang AlDub nation pagdating kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kaya mas mabuting huwag nalang kalabanin dahil babalik at babalik ‘yan sa inyo, dagdag ng netizens.

As of now, hindi pa naubos ang pangalawang lipstick ni Maine.

Sana bukas ay mauubos na ito bilang regalo ng lahat sa kaarawan niya.

Ikaw ano ang masasabi mo sa protekyong binigay ng mga magulang ni Menggay?

Plano Ni Alden Richards Sa Kaarawan Ni Maine Mendoza Hinarangan


Tatlong araw nalang kaarawan na ng nag-iisang Maine Mendoza.

Lahat ay nakahanda na sa kanilang mga regalo para sa phenomenal star.

Pati fans ay may kanya-kanya ng inihanda na party para sa idolo nila.

Ang iba ay nakaschedule na ngunit ang iba ay hinintay ang free time ni Maine para makadalo siya sa party na inihanda nila.

Ngunit ang hinihintay ng lahat ay ang sorpresa na regalo galing kay Alden Richards.

Nabalitaan kasi nila na may binili ang binata para sa dalaga.

Always prepare naman si Tisoy at handa na niya itong ibigay ayon sa isang fan.

Ngunit parang maibigay ito hindi sa mismong kaarawan ni Maine na mangyayari sa Eat Bulaga.

Usap-usapan kasi sa social media na parang hindi makadalo ang Asia's Multimedia star  sa araw na iyon dahil nandoon si Arjo Atayde bibisita sa  noontime show.

May mga pasabog raw ito kasama ang pamilyang Atayde.

Kaya pinagbigyan nalang daw ni Alden at ng EB.

Do you think papayag ang EB Dabarkads sa ganitong set-up?

Aabangan nalang natin kung ano ang mangyayari sa mismong araw ng kapanganakan ni Meng ngayon Marso 3.

Alden Richards Gusto Nang Ipagsigawan Ang Taong Ito Pero Mas Piniling Protektahan


Dalawang rason lang kung bakit ayaw ni Alden Richards na malaman kung sino ang babae na ina-eye niya hanggang ngayon.

Una, pinoprotektahan niya ito na madamay sa magulong showbiz world o pangalawa, talagang wala pa siyang nakitang fit sa qualities na hinahanap niya.

Ito ang nakitang dahilan ng mga netizens kung bakit hanggang ngayon ay paiba-iba ang sagot ng Asia’s Multimedia Star kapag tinatanong ito tungkol sa lovelife niya.

Muling napag-usapan kasi ito sa social media kamakailan lang matapos mainterview ang binata.

Sinagot din niya ang kumakalat na video at photo tungkol sa kanila ni Sanya Lopez.

Sabi ni Alden, magkaibigan lang sila ng aktres at dapat hindi na ito bigyan ng malisya pa.

Talagang ganun naman siya sa lahat ng mga kaibigang babae.

Hintayin nalang raw kung kailan niya ipakilala sa lahat ang babaeng mahal niya.

Ayon sa kanya hindi naman siya malihim na tao at talagang ipakilala niya ito sa tamang panahon.

For now, kalma lang muna mga fans at focus muna siya sa trabaho.

Ngunit ang ADN na nakakita sa nasabing video ni Alden, sinabing, hindi talaga magsasalita ang idolo nila dahil pinoprotektahan niya si Maine Mendoza ang nag-iisang babaeng mahal niya.

Sabi nila, smile mo palang alam na namin kung sino ang babaeng ito.

Ikaw, ano ang opinyon mo tungkol sa lovelife ni Tisoy?
Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *