Featured

The Future of Kim Chiu The Queen of Philippine Streaming

 Kim Chiu, affectionately known as the Philippines' Queen of TV Streaming, has solidified her reign with a series of remarkable accompli...


Advertisement

Jose Manalo Tuluyan Nang Binuking Sina Alden At Maine Nang Tanungin Sila Tungkol Sa Bagay Na Ito


Ito ngayon ang pinag-usapan ng netizens sa social media tungkol sa pagbulgar ni Jose Manalo sa relasyon nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Muling ipinaalala ng komedyante ang episode noon sa Sugod Bahay kung saan ay napaamin ang phenomenal loveteam sa katanungan ng kuya nila.

Ang sinasabi ni Jose ay ang pagkadulas ni Tisoy sa tanong na nag-iingat ba silang dalawa ni Menggay.

Ang topic nito ay tungkol sa ginagawa ng mag-asawa.

Muli itong napagkwentuhan ng mga fans, matapos ang paulit-ulit na isyu tungkol sa phenomenal star at Arjo Atayde.

Walang katapusang isyu ang inabot ng aktres ngayon dahil sa kumalat na video at larawan kung saan ay muling spotted ang Kapamilya star.

Hindi naman nagso-solo ang dalawa kasi kasama naman ni Menggay ang dalawang kapatid niyang lalaki na sina Nico at Dean.

Para maibsan ang sakit na nararamdaman ng mga fans, muli nilang binalikan ang mga video ng Eat Bulaga kung saan ay masaya at malaya pa sila Alden at Maine.

Nang dahil sa pagbulgar noon ni Jose sa dalawa live on TV, sabi ng netizens, matibay na ang foundation ng mga idolo nila kaya hindi na ito basta-basta nalang mawala.

As long as hindi nagsalita ng sabay sina Alden at Maine  tungkol sa tunay na status nilang dalawa, then, sabi nila, mananatiling aasa sila na talagang may relasyon ang mga idolo nila in real life.

Hihintayin lang nila na darating ang panahon na muling makita nilang magkasama ang dalawa at malayang mag-express ng love nila sa isa’t isa kahit offcam.

Ano ang reaksyon ninyo sa kwentong ito?

Maine Mendoza Si Alden Richards Pa Rin Ang Gusto Ito Ang Ebidensya Sa Pagkatao Ni Arjo Atayde Alamin


Ito ang nadiskubre ng mga netizens ngayon kay Arjo Atayde sa tuwing magkasama sila ni Maine Mendoza.

Parang ginagaya ng Kapamilya star si Alden Richards lalo na sa mga kasuotan nito.

Kaya pala raw maraming malilito sa dalawang aktor dahil sa ginagawa ng anak ni Sylvia Sanchez.

Halata naman talaga ayon ng karamihan.

Pati nga mga other showbiz entertainment website ay pinagsasabong nila.

Kaya tuloy hindi maiwasan ng netizens na makaisip na parang ginawa ito ni Arjo para magustuhan siya ni Maine.

Noon pa man ay sinabi na ng dalaga na ideal man talaga si Tisoy kung ang hinahanap mo ay mapapangasawa.

Nasa kanya na kasi lahat like mapagmahal, maalagain, responsable, gentleman at marespeto sa kapwa.

Kahit sinong babae ay mangangarap talagang gustuhin siya.

Kaya sabi nila, at least man lang sa pananamit ay magaya ni Arjo si Alden kahit na ang lumabas nito ay si Tisoy pa rin ang pinangarap ni Meng na nakasama niya.

Sana raw ay ibahin ng Kapamilya aktor ang style niya.

Dapat may originality para naman hindi siya mukhang tanga sa mata ng iba.

Dagdag pa nila, dapat magustuhan siya sa isang babae nang dahil sa kung ano siya at hindi sa aura ng iba.

Dahil kahit anong gawin pa niyang panggagaya, iisa pa rin ang totoong mahal ni Menggay kundi si Tisoy at hindi siya.

Ano ang masasabi tungkol sa usaping ito ng mga netizens?

Alden Richards At Maine Mendoza May Iyakan Palang Naganap Bago Mangyari Ito


Naging masakit din pala at hindi madali ang nangyari nila Alden Richards at Maine Mendoza bago ito hiniwalay ang dalawa sa management nila at ng network.

Marami silang inisakripisyo hanggang ngayon kahit personal na buhay ay naging apektado.

Ito ngayon ang nalaman ng netizens at pinag-usapan nila, matapos makita ang mga larawan at mga video kasama ni Meng si Arjo Atayde sa US at dalawang kapatid nito.

Marami kasi ang nasaktan at gusto pang iboycott ang MMFF movie ng phenomenal star kasama si Vic Sotto.

Pero nang malaman nila na sobrang iniyakan ng dalawa ang desisyon ng management na kahit ngayon ay nagsakripisyo sila, naiba ang pananaw ng mga tao.

Sabi nila, dapat ipaglaban nila ang idolo nila hanggang dulo.

Dapat suportahan nila ito sa lahat nilang proyekto kahit na solo.

Ipagdasal na sana ay this coming 2020 ay mapagbigyan ng ang kanilang hiling na muling pagsamahin ang dalawang idolo nila.

Tama na ang mga sakripisyo nila Tisoy at Menggay.

Dapat ay pagbigyan na nila ang sarili at hindi maging sunud-sunuran sa mga taong hindi naman nagmalasakit sa kanila.

Tama na ang kaguluhan at bangayan ng mga fans at muling ipakita ang matatag at matibay na AlDub Nation na kinikilala na best fandom sa simula pa lang.

Ikaw, lalaban ka pa ba para kina Alden Richards at Maine Mendoza?

Joey De Leon Ipinasabog Na Ang Katotohanang Ito Tungkol Kina Alden Richards At Maine Mendoza


Hindi talaga matapos-tapos ang mga isyung ibinabato kina Alden Richards at Maine Mendoza hanggang ngayon.

Para maiba naman, muling pinag-usapan ng netizens ang tweet ni Joey De Leon tungkol sa unang kiss ng Kalyeserye loveteam.

Ito ay nangyari noong 2016 sa mismong kaarawan ni Menggay.

Nakakakilig kasi talaga ang eksenang iyon at kahit ng si Henyo Master ay hindi nakakapagpigil na ishare din ang saloobin niya.

Sabi niya, Sa mga KISSTORIANS, este HISTORIANS pala, it happened at exactly 2:26pm!

Ang tinukoy ni Sir Joey ay ang nangyaring kiss nila Alden kay Maine.

Minsan lang magsalita itong beteranong aktor na ito kaya alam mong may laman ang bawat salita niya.

Nang dahil sa tweet na ‘yun, muling napaisip ang netizens, imposible talagang walang relasyon ang phenomenal loveteam noon pa man.

Ang komedyante nga, alam ang katotohanan at pinasabog pa sa kanyang social media, tayo pa ba ang hindi magiging kampante.

Dagdag pa nila, may mga bagay lang talaga na dapat ay kailangang isekreto hindi lang para sa sarili nila kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid nila.

Kaya kung totoong fan ka at nagmamahal sa dalawa, be patient lang, hindi man mabuti ang maririnig mo o mababasa tungkol sa kanila, in time masasabi mo rin na worth it ang pananahimik mo at ang pagiging kampante mo kia Alden at Maine.

Ikaw, ano ang komento mo sa post ni Joey De Leon?

Oh No, Hindi Na Pala Nakakabuti Sa Karera Ni Maine Mendoza Ang Pangyayaring Ito


Nababahala ngayon ang iilang netizens kay Maine Mendoza at sa karera niya matapos ang sunud-sunod na larawan nila ni Arjo Atayde na kumakalat sa social media.

Marami kasing fans lalo na ang senior citizens ang sobra nang nasaktan sa mga nakikita nilang iba ang kasama ng idolo nila at hindi si Alden Richards.

Kung talagang matapang sila Tisoy at Menggay, panawagan nila na sana magsalita sila ng sabay-sabay at sabihin na ang katotohanan.

Hindi ‘yung atras abante at papaasahin na naman silang muli.

Sobra na raw silang nasaktan kaya tama na!

Kung mangyayari man ang hinihiling nila, ito ang ikinabahala ng ilang netizens kahit mga experto.

Mawawasak ang karera ni Menggay at posible pang makapagretiro ito agad na hindi pa oras.

Hindi kasi talaga nakakatulong si Arjo sa karera niya.

Mas siya pa ang nagagamit ng mga Atayde.

Dapat sana ay hindi muna inilagay ni Meng sa ganitong sitwasyon ang sarili niya kung mahal pa niya ang trabaho niya.

Pero baka mag-iba pa ang ihip ng hangin kung sakali.

Sa sinasabi ng ilan, umalma naman ang iilang fans.

Sabi nila, hindi ‘yan mangyayari sa buhay ng isang Maine Mendoza.

Palagi nila itong suportahan sa karera niya at magiging masaya sila kung saan masaya ang idolo nila.

Ayon pa nila, kung totoo kang fan, humanga ka pero huwag mong diktahan ang idolo mo kundi suportahan mo ang real life niya lalo na’t naging masaya siya.

Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?

Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *