Featured

The Future of Kim Chiu The Queen of Philippine Streaming

 Kim Chiu, affectionately known as the Philippines' Queen of TV Streaming, has solidified her reign with a series of remarkable accompli...


Advertisement

Alden Richards Gusto Nang Ipagsigawan Ang Taong Ito Pero Mas Piniling Protektahan


Dalawang rason lang kung bakit ayaw ni Alden Richards na malaman kung sino ang babae na ina-eye niya hanggang ngayon.

Una, pinoprotektahan niya ito na madamay sa magulong showbiz world o pangalawa, talagang wala pa siyang nakitang fit sa qualities na hinahanap niya.

Ito ang nakitang dahilan ng mga netizens kung bakit hanggang ngayon ay paiba-iba ang sagot ng Asia’s Multimedia Star kapag tinatanong ito tungkol sa lovelife niya.

Muling napag-usapan kasi ito sa social media kamakailan lang matapos mainterview ang binata.

Sinagot din niya ang kumakalat na video at photo tungkol sa kanila ni Sanya Lopez.

Sabi ni Alden, magkaibigan lang sila ng aktres at dapat hindi na ito bigyan ng malisya pa.

Talagang ganun naman siya sa lahat ng mga kaibigang babae.

Hintayin nalang raw kung kailan niya ipakilala sa lahat ang babaeng mahal niya.

Ayon sa kanya hindi naman siya malihim na tao at talagang ipakilala niya ito sa tamang panahon.

For now, kalma lang muna mga fans at focus muna siya sa trabaho.

Ngunit ang ADN na nakakita sa nasabing video ni Alden, sinabing, hindi talaga magsasalita ang idolo nila dahil pinoprotektahan niya si Maine Mendoza ang nag-iisang babaeng mahal niya.

Sabi nila, smile mo palang alam na namin kung sino ang babaeng ito.

Ikaw, ano ang opinyon mo tungkol sa lovelife ni Tisoy?

Alden Richards Sa Kanyang Puso Pa Rin si Maine Mendoza

Usap usapan ngayon today ang naging episode ng EB kung saan topic na naman sina Maine and Alden. Hindi naman talaga maiiwasan dahil weeksary ng dalawa and of course malakas pa rin talaga ang hatak nila.

Marami ang guston magkatuluyan sina Maine and Alden pero marami ang nangangambang baka matulad lang daw ng mga sikat na loveteams ang AlDub.

Sabi ni Cristopher Suarez: yung ginagalaw sir parehong pareho kanila bob at anj.  yung resulta ang hindi natin alam.  realedad lang dapat tayo.  PaHABOL pala, bakit walang nakapansin sa sinabi ni Boss Joey after malaman na hindi naging mag on bob at anj, kasi nga dba mukhang sila talaga, ang sabi ni Boss Joey..... "USO YAN NGAYON, HINDI NAGKAKATULUYAN".    walang nakapansin o iniwasan lang????

Baka nga naman daw ay nag reverse psychology itong si Henyong Joey.

Sabi ni EMS: Wag naman sanang mangyayari sa dalawa Nina Alden at Maine ung mga nangyari Kay angelu at bobby, guy & pip d cla nagkatuluyan. Sana naman nagkatuluyan kau Alden & Maine yan ang panalangin namin sa inyo.

Sabi ni Josephine: May nasabi nuon si alden sa interview nya kay boy abunda na na inlove sya sa isang actress nuon pero hindi naging sila dahil sa hindi sila nagkaintindihan kaya hindi na nya sinubukang ligawan.

May naka observe rin na baka hindi na talaga need pa na magligawan ang dalawa dahil destined na sila sa isa't isa.

In the end, the road will still lead to them. Sa ngayon marami lang detours. Panoorin ang video ni Payatot at make sure to subscribe sa kanyang channel https://www.youtube.com/channel/UCFC_fVhv3nAbJoDYIsgRNmQ

Alden Richards Tinapos Ang Isyu Na Ito Ngunit Maine Mendoza Babasagin Na Ang Pananahimik


Matapos ang pambabash at iba’t ibang reaksyon ng netizens kay Maine Mendoza at sa pamilya nito matapos ang MAC event recently, tila balik normal na ang lahat matapos makitang magkasama sina Menggay at Alden Richards sa Eat Bulaga.

Sa episode kahapon ng noontime show, pinapakita ni Tisoy na hindi sila apektado ni Meng sa mga isyung lumabas  sa launching ng lipstick ng phenomenal star kasama si Arjo Atayde.

Sa segment ng Juan For All, All For Juan, lumapit si Alden kay Meng at nasa likod lang ito hanggang matapos ang show.

May eksena pang nahulicam na nagmamadaling sinundan ng binata ang dalaga patungong backstage ng APT.

Kaya kumalma na ang lahat at sinabing sana ay hindi na maging apektado sa anumang pakulo ng ArMaine at sa Kapamilya Star.

Ngunit hindi pa man tuluyang natahimik ang isyu, ito na naman ang bungad ngayong araw sa AlDub Nation.

Nakakuha kasi sila ng impormasyon na tuluyan ng aminin ng Maine ang relasyon nila ni Arjo sa mismong kaarawan niya sa Eat Bulaga ngayong March 3.

Ito na raw ang katapusan ng ALDUB/MAICHARD.

Kahit pamilya Atayde ay babati sa kanya at may meet ang greet pang mangyayari with the pamilyang Mendoza.

May katotohanan kaya ang balitang ito?

Tuluyan na kayang iwan ng ADN si Maine at susuportahan si Alden?

Ang Totoong Drama Sa Likod Nang Pangyayari Kay Maine Mendoza Sa MAC Event


Naging iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens sa nakita nilang video nila Arjo Atayde at Maine Mendoza sa launching ng MAC lippie ng huli.

Mostly sa kanila ay hindi natuwa sa pinagagawa ng dalawa.

Para kasi sa kanila, informal ang mga aksyon na ginawa nila lalo na kay Menggay.

Nagmukhang kakaiba ito at  inappropriate sa okasyon lalo na’t international ang brand na pinopromote ng dalaga.

Ngunit ayon sa ilan, ang nangyari ay parte raw ng pakulo nila sa pagpropromote.

Hindi naman ito masamang tingnan dahil boyfriend naman ang kasama niya.

Siguro hindi lang nagustuhan ng karamihan dahil hindi nila gusto ang Kapamilya aktor for Maine simula pa lang.

Kaya naging malaking isyu ito ngayon.

Siguro kung si Alden Richards ‘yon, mas kiligan pa sila at puro praise ang inabot ng isang Maine Mendoza.

But since ibang lalaki ito, kaya ganoon nalang makareak ang karamihan.

POV:

Ang aking opinyon tungkol dito ay halos parehas lang din sa sentimento ng karamihan lalo na ang side sa ADN.

Masama nga tingnan ang mga aksyon nila Arjo at Maine  sa video na kumalat sa social media recently.

Sa simula ng showbiz career ng Kalyeserye Sweetheart ay iba kasi ang aura na ipinapakita niya.

Kaya marami ang nagulat sa ginawa niya kung sakaling parte ito ng promotion ng lipstick niya.

Hindi talaga magandang tingnan kahit sino pang lalaki ang makasama niya.

Dapat careful ang management o handler ni Menggay sa mga bagay na ito.

Malaki kasi itong epekto sa kanya bilang artista, endorser at higit sa lahat ang pagiging babae niya.

It might be hindi ito big deal sa kanya o sa pamilya niya, ngunit sa mga batang sumubaybay at ginawa siyang inspirasyono o idolo, malaki ang epekto na maidudulot nito.

Sana lang ay hindi magiging apektado ang product na iniendorso niya.

Sayang ang pagiging the only Filipino MAC influencer niya kung ganito ang kahihinatnan.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Ang Tunay Na Saloobin Ni Tatay Dub Sa Ginawa Nila Arjo Atayde At Maine Mendoza Sa MAC Event


Hindi raw ikinatuwa ng ama ni Maine Mendoza ang mga kasweetan nila ni Arjo Atayde habang nasa event sila ng MAC kagabi Pebrero 24.

Sabi ng ibang nakakita sa mukha ni Tatay Dub, tila nabastos raw ito sa ginawa nila.

Wala man itong sinabi at tahimik lang ngunit, napifeel nila ang saloobin isang ama seeing his daughter na ganoon ang aksyon.

Pati nga ang mga netizens na nakakita sa mga eksena ay hindi rin natuwa.

They felt na binastos ang idolo nila.

Ayon naman sa iba, tila nakainom raw si Menggay kaya ganun nalang ang ikinikilos.

Sobra silang nadismaya sa nakita nila lalo na ang ilang AlDub Nation.

Kaya ngayon, nanganganib na hindi pasold out ang nasabing lipstick ni Meng gaya ng dati.

Ayon sa mga nababasa namin sa social media, maraming fans na nasa abroad ang hindi na mag-order sa nasabing product.

Nasaktan sila sa mga nakikita nila at nabastusan sa ikinikilos nila Arjo at Maine.

Dahil hindi ito naubos, ang ADN na naman ang sinisisi sa mga ArMaine.

Totoo kaya ang sinabi ng ilan na biglang nag-iba ang mukha ni Tatay Dub nang makita sina Arjo at Maine?

POV:

Kahit ako napaisip din kung ano ang naging reaksyon ng pamilya Mendoza sa mga ikinikilos nila Arjo at Menggay sa event ng MAC.

Nakikita ko kasi ang iilang video na kumalat sa Twitter kuha sa launching ng pangalawang MAC lipstick ng phenomenal star.

Ngunit sa kabilang banda, hindi tayo pwedeng manghusga agad dahil unang-una wala tayo sa mismong event, so hindi natin alam ang buong storya sa nangyari.

Ang sa akin lang, I felt worried sa karera ng idolo natin.

Based on my observation, negative kasi ang kinalabasan sa mga event ni Maine na kasama si Arjo.

Ngunit wala namang nagpayo o concern sa kanyang karera na dapat ingatan.

Kung sa bagay kahit anong gawing pagprotekta ng fans kung ibinalewala ito ng mga taong concern, then wala ding mangyayari.

Let’s pray for Maine nalang and hope for the best para sa kanya.

Ikaw, ano ang opinyon mo base sa nakikita mong mga larawan at video nila Maine at Arjo sa recent event ng MAC?

Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *