Featured

No Choice Na Pala Si Liza Soberano Kaya Lumipat Ng Ibang Management, Enrique Gil Mag-transfer Sa GMA?

Matapos ang rebelasyon ni Liza Soberano tungkol sa kanyang showbiz career, Enrique Gil pinag-usapan na rin. Bali-balita recently na lilipat ...


Advertisement
Showing posts with label Blog. Show all posts
Showing posts with label Blog. Show all posts

Alden Richards Sa Kanyang Puso Pa Rin si Maine Mendoza

Usap usapan ngayon today ang naging episode ng EB kung saan topic na naman sina Maine and Alden. Hindi naman talaga maiiwasan dahil weeksary ng dalawa and of course malakas pa rin talaga ang hatak nila.

Marami ang guston magkatuluyan sina Maine and Alden pero marami ang nangangambang baka matulad lang daw ng mga sikat na loveteams ang AlDub.

Sabi ni Cristopher Suarez: yung ginagalaw sir parehong pareho kanila bob at anj.  yung resulta ang hindi natin alam.  realedad lang dapat tayo.  PaHABOL pala, bakit walang nakapansin sa sinabi ni Boss Joey after malaman na hindi naging mag on bob at anj, kasi nga dba mukhang sila talaga, ang sabi ni Boss Joey..... "USO YAN NGAYON, HINDI NAGKAKATULUYAN".    walang nakapansin o iniwasan lang????

Baka nga naman daw ay nag reverse psychology itong si Henyong Joey.

Sabi ni EMS: Wag naman sanang mangyayari sa dalawa Nina Alden at Maine ung mga nangyari Kay angelu at bobby, guy & pip d cla nagkatuluyan. Sana naman nagkatuluyan kau Alden & Maine yan ang panalangin namin sa inyo.

Sabi ni Josephine: May nasabi nuon si alden sa interview nya kay boy abunda na na inlove sya sa isang actress nuon pero hindi naging sila dahil sa hindi sila nagkaintindihan kaya hindi na nya sinubukang ligawan.

May naka observe rin na baka hindi na talaga need pa na magligawan ang dalawa dahil destined na sila sa isa't isa.

In the end, the road will still lead to them. Sa ngayon marami lang detours. Panoorin ang video ni Payatot at make sure to subscribe sa kanyang channel https://www.youtube.com/channel/UCFC_fVhv3nAbJoDYIsgRNmQ

Alden Richards Tinapos Ang Isyu Na Ito Ngunit Maine Mendoza Babasagin Na Ang Pananahimik


Matapos ang pambabash at iba’t ibang reaksyon ng netizens kay Maine Mendoza at sa pamilya nito matapos ang MAC event recently, tila balik normal na ang lahat matapos makitang magkasama sina Menggay at Alden Richards sa Eat Bulaga.

Sa episode kahapon ng noontime show, pinapakita ni Tisoy na hindi sila apektado ni Meng sa mga isyung lumabas  sa launching ng lipstick ng phenomenal star kasama si Arjo Atayde.

Sa segment ng Juan For All, All For Juan, lumapit si Alden kay Meng at nasa likod lang ito hanggang matapos ang show.

May eksena pang nahulicam na nagmamadaling sinundan ng binata ang dalaga patungong backstage ng APT.

Kaya kumalma na ang lahat at sinabing sana ay hindi na maging apektado sa anumang pakulo ng ArMaine at sa Kapamilya Star.

Ngunit hindi pa man tuluyang natahimik ang isyu, ito na naman ang bungad ngayong araw sa AlDub Nation.

Nakakuha kasi sila ng impormasyon na tuluyan ng aminin ng Maine ang relasyon nila ni Arjo sa mismong kaarawan niya sa Eat Bulaga ngayong March 3.

Ito na raw ang katapusan ng ALDUB/MAICHARD.

Kahit pamilya Atayde ay babati sa kanya at may meet ang greet pang mangyayari with the pamilyang Mendoza.

May katotohanan kaya ang balitang ito?

Tuluyan na kayang iwan ng ADN si Maine at susuportahan si Alden?

Ang Totoong Drama Sa Likod Nang Pangyayari Kay Maine Mendoza Sa MAC Event


Naging iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens sa nakita nilang video nila Arjo Atayde at Maine Mendoza sa launching ng MAC lippie ng huli.

Mostly sa kanila ay hindi natuwa sa pinagagawa ng dalawa.

Para kasi sa kanila, informal ang mga aksyon na ginawa nila lalo na kay Menggay.

Nagmukhang kakaiba ito at  inappropriate sa okasyon lalo na’t international ang brand na pinopromote ng dalaga.

Ngunit ayon sa ilan, ang nangyari ay parte raw ng pakulo nila sa pagpropromote.

Hindi naman ito masamang tingnan dahil boyfriend naman ang kasama niya.

Siguro hindi lang nagustuhan ng karamihan dahil hindi nila gusto ang Kapamilya aktor for Maine simula pa lang.

Kaya naging malaking isyu ito ngayon.

Siguro kung si Alden Richards ‘yon, mas kiligan pa sila at puro praise ang inabot ng isang Maine Mendoza.

But since ibang lalaki ito, kaya ganoon nalang makareak ang karamihan.

POV:

Ang aking opinyon tungkol dito ay halos parehas lang din sa sentimento ng karamihan lalo na ang side sa ADN.

Masama nga tingnan ang mga aksyon nila Arjo at Maine  sa video na kumalat sa social media recently.

Sa simula ng showbiz career ng Kalyeserye Sweetheart ay iba kasi ang aura na ipinapakita niya.

Kaya marami ang nagulat sa ginawa niya kung sakaling parte ito ng promotion ng lipstick niya.

Hindi talaga magandang tingnan kahit sino pang lalaki ang makasama niya.

Dapat careful ang management o handler ni Menggay sa mga bagay na ito.

Malaki kasi itong epekto sa kanya bilang artista, endorser at higit sa lahat ang pagiging babae niya.

It might be hindi ito big deal sa kanya o sa pamilya niya, ngunit sa mga batang sumubaybay at ginawa siyang inspirasyono o idolo, malaki ang epekto na maidudulot nito.

Sana lang ay hindi magiging apektado ang product na iniendorso niya.

Sayang ang pagiging the only Filipino MAC influencer niya kung ganito ang kahihinatnan.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Ang Tunay Na Saloobin Ni Tatay Dub Sa Ginawa Nila Arjo Atayde At Maine Mendoza Sa MAC Event


Hindi raw ikinatuwa ng ama ni Maine Mendoza ang mga kasweetan nila ni Arjo Atayde habang nasa event sila ng MAC kagabi Pebrero 24.

Sabi ng ibang nakakita sa mukha ni Tatay Dub, tila nabastos raw ito sa ginawa nila.

Wala man itong sinabi at tahimik lang ngunit, napifeel nila ang saloobin isang ama seeing his daughter na ganoon ang aksyon.

Pati nga ang mga netizens na nakakita sa mga eksena ay hindi rin natuwa.

They felt na binastos ang idolo nila.

Ayon naman sa iba, tila nakainom raw si Menggay kaya ganun nalang ang ikinikilos.

Sobra silang nadismaya sa nakita nila lalo na ang ilang AlDub Nation.

Kaya ngayon, nanganganib na hindi pasold out ang nasabing lipstick ni Meng gaya ng dati.

Ayon sa mga nababasa namin sa social media, maraming fans na nasa abroad ang hindi na mag-order sa nasabing product.

Nasaktan sila sa mga nakikita nila at nabastusan sa ikinikilos nila Arjo at Maine.

Dahil hindi ito naubos, ang ADN na naman ang sinisisi sa mga ArMaine.

Totoo kaya ang sinabi ng ilan na biglang nag-iba ang mukha ni Tatay Dub nang makita sina Arjo at Maine?

POV:

Kahit ako napaisip din kung ano ang naging reaksyon ng pamilya Mendoza sa mga ikinikilos nila Arjo at Menggay sa event ng MAC.

Nakikita ko kasi ang iilang video na kumalat sa Twitter kuha sa launching ng pangalawang MAC lipstick ng phenomenal star.

Ngunit sa kabilang banda, hindi tayo pwedeng manghusga agad dahil unang-una wala tayo sa mismong event, so hindi natin alam ang buong storya sa nangyari.

Ang sa akin lang, I felt worried sa karera ng idolo natin.

Based on my observation, negative kasi ang kinalabasan sa mga event ni Maine na kasama si Arjo.

Ngunit wala namang nagpayo o concern sa kanyang karera na dapat ingatan.

Kung sa bagay kahit anong gawing pagprotekta ng fans kung ibinalewala ito ng mga taong concern, then wala ding mangyayari.

Let’s pray for Maine nalang and hope for the best para sa kanya.

Ikaw, ano ang opinyon mo base sa nakikita mong mga larawan at video nila Maine at Arjo sa recent event ng MAC?

Maine Mendoza Nakapili Na, Iniwan Nga Ba Si Arjo Atayde Sa Kasal Ni Sheena Halili Ang Katotohanan


Matapos ang masayang week ng ADN noong nakaraang linggo nang dahil sa muling pagsasama  nila Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga, muli na namang bumungad sa kanila ang mukha ni Arjo Atayde sa kasal ni Sheena Halili at sa kanyang long time boyfriend noong Sunday Pebrero 23.

Kasama si Menggay sa bridesmaids sa nasabing kasal.

Ngunit laking gulat ng AlDub Nation nang makitang nandoon din pala ang Kapamilya Star kasama ang dalaga at ang mag-asawang Julius at Tintin Babao.

Kaya nagkagulo na naman sa Twitter ng dahil dito.

Naging iba’t iba kasi ang mga reaksyon ng netizens sa nasabing larawan.

May nagsabing natural na nadiyan si Arjo dahil inimbita siya sa kasal at boyfriend din siya ng phenomenal star.

Ayon naman sa iba, edited na naman ang mga larawan dahil may event ang Kapamilya star at malayo ito sa lugar kung saan ginanap ang wedding.

Si Alden pa nga ang sumundo kay Maine kaya hindi ito nagtagal sa reception ng bagong kasal.

Kaya ang mga ArMaine ay muling nambully at sinabing kung kampante kayo, bakit kayo nawindang sa isang photo lang?

Kaya mas lalong uminit ang usapan ng social media hanggang ngayong araw.

Ang aking POV sa sitwasyon!

Walang masama kung totoo mang nasa kasal si Arjo Atayde.

Unang-una, magkaibigan din sila ng ikinasal kaya natural na imbitahin siya nito.

Pangalawa, kung nagkaroon man ng iisang larawan sila Arjo at Maine, hindi yun sapat na dahilan na magkarelasyon agad ito.

Hindi pa pwedeng nag-invite lang ng group photo ang Babao couple?

Kahit saang banda man, walang karapatan ang sinuman na husgahan si Maine o Arjo o kahit na sino nang dahil lang sa larawan.

Wala tayong alam sa mga personal na sitwasyon ng iniidolo natin.

Pwede naman maging masaya tayo kung nakikita nating masaya ang idolo natin sa mga taong nakasama niya o naging kaibigan.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa bagong isyu na ito?

[VIDEO] Allan K Hindi Na Nakapagpigil Tuluyang Binuking Ang Ginawa Nila Alden At Maine Sa EB Backstage


Usap-usapan pa rin ng mga netizens ang nangyaring bukingan kahapon nila Alden Richards at Maine Mendoza habang nasa backstage ng Eat Bulaga.

Super sweet raw ang dalawa at alagang-alaga pa si Meng kay Tisoy.

Kaya nang nasa EB stage na sila ay agad itong ibinahagi ni Allan K na siyang nagpapakilig ng lahat pati na ang mga netizens at AlDub Nation.

Sabi pa ng komedyante, pati dito sa stage ay sumusunod ang mga langgam.

Kaya super happy kahapon ang lahat na fans nila Alden at Maine.

They are thankful sa noontime show na unti-unti nang binalik ang dalawa na magkasama at walang hadlang.

Hindi tulad ng dati lalo na noong may teleserye pa ang Asia’s Multimedia Star na kahit nasa EB sila ay bawal mag-usap o magkalapit oncam.

Kaya napabalitang kahit offcam raw ay hindi na nagpansinan ang dalawa.

Buti nalang ay hindi na sila hinihigpitan ngayon.

Sana ay tuloy na tuloy na ito kahit hindi nalang muna sila magkaproject ulit together, ‘yan ang sabi ng ADN.

Kung magkakaroon man then they  will be happy and thankful.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa usaping ito?

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa social media matapos makita nila ang videong ito.





Alden Richards Tinapos Na Ang Kabaliwan Ng Management Ito ANg Ginawa Niya Kasama Si Maine Mendoza


Marami talaga ang nakakita sa ebidensiyang ito na ginawa nila Alden Richards at Maine Mendoza habang nasa Eat Bulaga recently.

Tila sa ginawa nila ay simbolo na ng kanilang katapangan na ilabas ang totoo tungkol sa kanila.

Kitang-kitang na fans ang pagsusuot ni Meng ng singsing na siyang naisuot din sa pagpirma ni Tisoy ng contract sa isang proyekto.

Kaya sabi ng mga solid ADN, tatapusin na ng Asia’s Multimedia Star ang pagiging sunud-sunuran ng kanyang management.

Ayon sa isang sulat na naishare ng isang AlDub fan, may nakapagsabi na sa kanya na this year ay tuluyan nang kuning muli ni Alden si Meng.

Hindi na niya nagustuhan ang mga nangyari sa paligid kaya paninindigan na niya ito bago ang kaarawan ng dalaga.

Nang dahil sa balitang ito, tila muling nabuhayan ang lahat.

Excited na silang magsalita na si Alden at tuluyan na niyang aminin ang tungkol sa kanila ni Maine.

Ito lang naman ang hinihintay ng lahat.

Sana lang ay wala nang atrasan ito, sabi nila.

Baka kasi may gagawin na naman ang network to stop kay Tisoy sa balak niya.

Sagot naman ng ilan, manalig lang tayo sa Maykapal dahil walang imposible sa kanya kahit ano pa ang gagawin at plano ng mga management nila.

Kayo, ano ang masasabi ninyo tungkol sa usaping ito?

Alden Richards At Maine Mendoza May Lihim Na Ginagawang Proyekto Alamin Kung Ano Ito


Ito ang pinag-usapan ngayong araw ng mga netizens sa social media.

May lihim na ginagawang proyekto diumano sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ano kaya ito at bakit nililihim sa publiko o fans?

Ito pala ay ang pagtatambalang muli ng dalawa sa Eat Bulaga Lenten Special for this year’s episode.

Napaaga raw ang kanilang pagtataping dahil may ibang nilulutong project ang GMA network kay Tisoy.

May panibago raw itong teleserye kasama si Julie Anne San Jose.

Kaya to avoid trouble sa mga schedule nila, kaya sinimulan na ang nasabing episode ng EB for Holy Week.

Kung totoo man ito, super saya ang AlDub Nation dahil natupad na ang ipinagdarasal nila na muling pagsamahin ang phenomenal loveteam.

Matapos kasi ang Destined To Be Yours ay wala nang kasunod na project ang dalawa.

Kahit pinangakoan sila ng network, hanggang ngayon ay walang nangyari kundi ipinapasa sa iba’t ibang artista sila Alden at Maine.

Kaya kung sakaling may katotohanan ito, siguradong pakaabangan ito ng kanilang mga fans.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens nang malaman ang balitang ito.

Iretab - God is Good to ALDUB/MaiChard Thank you Lord  Alden and Maine may happy pill always and forever I was just thinking about that na sana nga magkasama ang ALDUB/MaiChard sa EB Holy Week special I'm  so happy then if and if God is Good to those who humble themselves.

Rumolo - Good job iyan naman talaga ang inaabangan ng lahat ang makaulayaw magsama muli si Maine at Alden Richard lalo na lenten special episode ng Eat Bulaga.

Mary - Sana talaga matuloy saya natin pag natuloy ,congrats ate maine laban lang ng laban yes #forever

Maine Mendoza Hulicam Ito Pala Ang Pinaamoy Niya Kay Alden Richards New Ring Ipinakita Sa EB


Kung kahapon Pebrero 18 ay napakalungkot ang buhay ng AlDub Nation, ngayon araw ay muli na naman silang nabuhayan nang dahil kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nasa Eat Bulaga kasi ang dalawa kanina.

Tila hindi affected ang phenomenal loveteam sa mga isyu kahapon lalo na kay Tisoy na may kumalat na video sa kanya ang ibang babae ang niyakap niya.

Ang nakakatuwa nito at nakakakilig pa ay harapan sa camera ang sweetness nila.

Umpisa pala sa Hype Kang Bata Ka ay nakitang may pinaamoy ang dalaga sa binata kahit on cam ito.

Sumunod naman ang spotted new ring na suot ni Menggay.

Ito kaya ang napabalitang Valentines gift ng Asia’s Multimedia Star sa Phenomenal Star?

Ito ang naging tanong ng mga netizens sa social media nang makita nila ito.

Talagang masaya sila at muling nanumbalik ang mga gesture nila noon na talagang masasabi mo na walang problema sila at masaya lang.

Nang dahil sa nakita ng fans kanina, nakalimotan na nila ang video at larawan nila Alden at Sanya Lopez sa social media.

Sabi nila, kung si Maine nga masaya kay Alden, tayo pa ba?

Isa pa hindi naman nagkumpirma ni isa sa kanila kung totoo nga ang nasabing photo at video.

Inamin naman sa nagpost nito na wala siyang alam kung may relasyon ba sila, ang sa kanya lang ay kinilig siya sa nakita niya.

Kaya walang basehan na tirahin pa at gawing big isyu ang mga nakikita o nababasa.

Ang importante, okay sina Alden at Maine kaya maging kampante lagi.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa hulicam moment nila Alden at Maine ngayong araw?

Arjo Atayde Selos Na Selos Na Kay Alden Dahil Nakita Niya Ang Ginawang Ito Kay Maine


Hindi maiwasang mainvolve si Arjo Atayde sa usapang Alden Richards at Maine Mendoza.

Marami ang dumipensa sa kanya ngayon matapos ang sunud-sunod na kasweetan ng dalawa live on TV.

Marami din ang nakanotice na tila balik na sa normal sila Tisoy at Menggay sa Eat Bulaga matapos ang mahabang panahon sa hindi pagsasama ng show dahil sa individual commitment nila.

Kaya napasabi ang ibang netizens, kung talagang may relasyon sila Maine at Arjo ano kaya ang nararamdaman niya?

Selos na selos na kaya ang Kapamilya aktor?

Response naman ng mga ADN fans, isa lamang itong patunay sa sinasabi ng Asia’s Multimedia Star noon, na siya ang alon na kahit saan man mapadpad, babalik at babalik pa rin siya sa phenomenal star.

Ito rin ang naging description ni Alden sa samahan nila Meng sa mga interview niya noon.

Sabi niya, ang relasyon nilang dalawa ay parang mag-asawa, may individual mang gagawin at the end of the day, babalik pa rin sila sa isa’t isa.

Kaya ang mga katagang ito ang pinaghahawakan ng mga tunay na AlDub Nation.

Ito ang rason na kahit super sakit na ang mga balita na mababasa nila, still kumakapit sa idolo nila because alam nila na darating din ang panahon na babalik din ang lahat sa dati.

Dasal lang nila ngayon, sana ito na ang simula ng lahat at magiging taon ito sa AlDub/MAICHARD.

Ikaw, excited ka ba sa tuluyang pagbabalik tambalan nila Alden at Maine?

Alden Richards At Maine Mendoza Galawang Mag-asawa Ang Peg Sa Eat Bulaga February 17, 2019


Muli na namang masaya ang AlDub Nation ngayong araw dahil nakita na naman nilang magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga kanina.

‘Yan nalang kasi ang kaligayahan nila ngayong ayaw pang ipagtambal ulit ang dalawa.

Nagkaroon pa sila ng bonus nang makita ang pagkaover protective ni Tisoy kay Menggay.

Open kasi ang damit ng phenomenal star sa harapan at medyo nakita na ang dibdib niya kaya agad to the rescue naman ang binata.

Kaya mas kinilig ang mga televiewers at live audience habang pinagmasdan sila.

Ang sabi nila, galawang mag-asawa na naman ang peg ng mga idolo nila.

Hindi man palaging magkasama sa trabaho ngunit hindi pa rin nagbabago ang treatment nila sa isa’t isa.

Ayon sa mga fans, ‘yan ang tunay na pagmamahal na kahit ano pang bagyo ang dumating o darating pa ay matibay na at hindi basta-basta mawala.

The more na magtagal ito mas lalo pang tumitibay.

Nang dahil dito, nag-double time na naman ang paninira ng ibang hindi ADN fans.

Ayaw kasi nilang makita na magkasama sina Alden at Maine.

Kaya ano’t ano nalang ang ibabato nilang mga isyu.

Ngunit ang ALDUB/MAICHARD tahimik lang at blessing ang naaani nila.

Sabi nila, iba talaga pagprotektado ka kay Lord dahil kahit anong paninira, blessing ang matatanggap mo.

Sila ang tunay na dapat tularan ng ibang artista at kahit na ordinaryong tao.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Below ang video kung saan sabi nila may galawang mag-asawa sina Alden at Maine


Maine Mendoza Hulicam Sa Ginawa Niya Kay Alden Richards Habang Nasa Eat Bulaga February 15 Episode


Marami ang masaya ngayong araw nang makita nila sina Alden Richards at Maine Mendoza na magkasama sa Eat Bulaga.

Matagal na kasi nilang pinangarap ito lalo na ang AlDub Nation dahil bihira nilang makitang magkasama ang dalawang idolo nila nang dahil sa individual projects na ginagawa nila.

Kaya naging kompleto ang araw nila today at nagpapasalamat dahil pinagbigyan sila ng noontime show.

Kitang-kita ng mga viewers ang kakaibang saya ng MAICHARD lalo na si Tisoy na kasama niya si Menggay.

Ang sabi nila, iba ang aura at smile nila kumpara sa ibang time na wala ang isa sa kanila.

Mas lalo pa silang kinilig nang makita ang hulicam nila Maine at Alden na tila magkahawak kamay.

Kwento ng mga nakasaksi, parang nadistruct ang Asia’s Multimedia Star at hindi namalayan na siya na ang magsasalita kaya hinawakan ng phenomenal star ang kamay niya.

Super kilig talaga ang lahat habang nakita ang lahat na pangyayaring ito.

Sabi nila, dininig ang panalangin nila na muling magsama sina Alden at Maine kahit belated na sa Valentines Day.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa hulicam nila Alden at Maine?

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at netizens posted on social media.

Pops Fenandez Nagsalita Na Tungkol Sa Relasyon Nila Alden Richards At Maine Mendoza Alamin


Panay ang tuksong natatanggap ngayon kay Alden Richards galing sa kanyang kasamahan sa Centerstage show tungkol sa kanila ni Maine Mendoza.

Magkasama kasi sina Tisoy at Pops Fernandez sa  nasabing programa.

Alam naman ng karamihan na magkamukha ang batikang singer at Menggay.

Kaya binibiro niya ito na siya ang ex ng Asia’s Multimedia Star.

Ito ang sinabi niya sa isang pahayagan.

Sabi pa ng singer-actress, since magkamukha sila ni Yaya Dub ang ang ex at si Maine ang present ni Alden.

Marami ang nagreact sa nasabi ni Pops lalo na ang bashers at iilang AlDub fans.

Sabi nila, wow, isa itong rebelasyon sa relasyon nila Alden at Maine.

Alam kasi ng ex ni Martin Nievera na pinaglalayo ang dalawa ngayon sa kanilang management.

Kaya pabirong sinabi nitong ex siya ng binata at posibleng marevive ito dahil magkasama sila sa isang show.

Kung may ganoong tuksuhan sa set at alam nila ang nangyayari kina Alden at Maine, so meaning may alam talaga sila sa relasyon ng dalawa.

Pinaghiwalay man ito sa trabaho ngunit hindi pa rin nawala ang samahan nila lalo na sa personal relationship nila.

Kaya dapat maging kampate lang ang ADN at hindi patitinag sa kahit anong balita tungkol sa idolo nila na nililink sa iba.

Ikaw ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito?

Ang Taong Ito Pala Ang Dahilan Kaya Dinelete Ni Alden Richards Ang Mensahe Niya Sa Twitter


Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens kahapon Pebrero 12 nang binura ni Alden Richards ang post niya on Twitter.

Nagtataka sila kung bakit ginawa ito ng aktor.

Sabi kasi sa post niya around 11:37 ng umaga, The past years of my life, I do not decide for myself… The Lord knows better.



Ang nasabing post ay agad na nawala agad sa kanyang personal account.

Nang dahil dito, iba’t iba ang naging espekulasyon ng fans at bashers sa nangyari.

Sabi ng iba, agad itong binura ni Alden dahil may nagresponse agad sa kanya ang hindi niya nagustuhan.

Ayon naman ng ilan, mas mabuting delete agad baka bigyan pa ng malisyusong kahulugan.

At ang mas nakaka-alarma na reaksyon ng ibang tao sa internet ay ang sabihing utos ito ng team niya.

Ang tanong ngayon, ganyan na ba talaga ka diktador ang team o management ni Alden?

Hindi na ba makagalaw freely ang isang Asia’s Multimedia Star?

P.O.V:

I don’t think so na may malign ang post ni Alden Richards sa kanyang social media account.

Siguro naging overwhelming lang siya sa lahat ng blessing natanggap niya.

At kung binura man niya ito, hindi dahil sa utos ng team o management niya, kundi nakita lang niya mga sensitibong bagay o pangyayari sa paligid niya.

Isa pa, yes, kahit good ang intention niya, may masasabi pa ring masama ang mga taong may inggit sa kanya.

Kaya mas pinili niya itong i-delete kaysa pagpipyestahan ito ng mga netizens sa social media.

Ikaw, ano ba ang opinyon mo sa sitwasyong ito?

Alden Richards Muling Sinekreto Ang Plano Niya Sa Valentines Kasama Ang Babaeng Ito


Dalawang araw nalang valentines day na!

Ilang celebrities ay nakahanda na sa kanilang pasabog gift at date para sa mahal nila.

Iba't ibang paandar ang mga pakulo nila para magiging masaya ang selebrasyon nila.

Ngunit iba si Alden Richards.

Pinili niyang isekreto ang plano niya para magiging sorpresa sa lahat.

Sabi ng iilang ADN, for sure may malaking pasabog ‘yan para sa mahal niya.

Kung noon ay naisorpresa niya si Maine Mendoza sa kaarawan nito nang nag-rent ito ng private plane going to Boracay, ngayon pa kaya?

Napakaswerte talaga sa babae kung ito’y mahal ng isang Alden Richards.

Aside from his good looks, mabait at mayaman pa.

Kaya super true ang sabi ni Lolit Solis sa kanya recently.

Sabi niya, kung siya ang magiging girlfriend ng aktor, magseselos siya sa lahat na babaeng makasalamuha ng binata.

Dahil sa sobrang bait nito, lahat ay i-accommodate niya.

Kaya maraming nangarap na magustuhan sila ng isang Alden Richards.

Reaksyon naman ng netizens, minsan nga inabuso na ng ilan ang kabutihang ibinibigay niya sa tao.

Kaya sabi nila talagang maswerte si Maine Mendoza dahil nakuha niya ang pagmamahal ng isang Asia’s Multimedia Star.

Ano kaya ang pasabog ni Alden sa kadate niya at sino ang maswerteng babaeng mae-date niya ngayong Araw Ng Mga Puso 2020?

Arjo Atayde At Maine Mendoza May Pag-aaway Ng Nangyari Nang Dahil Kay Alden Richards


Iba’t ibang version ang lumabas nang dahil lang sa singsing na hindi sinuot ni Maine Mendoza oncam recently.

Ayon sa ibang netizens, gawa ito nang network.

Ngunit may bagong anggulo naman ang inilabas ng ilan.

Ang katotohanan raw ay si Arjo Atayde ang ayaw nitong makita na isinout ng dalaga.

Nagkaroon pa raw ng argument ang dalawa ng dahil dito ayon sa ilang netizens nakakuha ng impormasyon.

Ngunit hindi daw nag-aagree si Maine na gawin ito.

Kaya kung makikita mo, suot niya ang naturang bigay ni Alden Richards lalo na pag nasa offcam siya.

Kung totoo nga ito, bakit gawin ito ng Kapamilya star?

Simula na ba ito sa kanyang pagko-control ng phenomenal star?

Magtatagumpay kaya siya?

Ito ang mga tanong ng fans ngayon nang malaman ang nasabing isyu.

Alam kasi ng karamihan na hindi pwedeng diktahan ang dalaga na kahit na sino.

Kung anong gusto niyang gawin as long as wala siyang inaapakang tao ay gagawin niya.

Kaya magkakaroon talagang pag-aaway kung talagang totoo ito.

P.O.V.:

Para sa akin, walang ganitong pangyayaring naganap between Maine and GMA o with Arjo.

Sa network na side, baka kailangan lang tanggalin ni Meng ang singsing niya nang dahil sa proyektong gagawin niya o ginagawa.

Like sa Magpakailanman, natural na ayaw ipasuot iyon dahil sa script at role niya na ginampanan.

For that, kailangan talagang tanggalin ito o kahit anong bagay na hindi related sa mga eksena.

Sa side naman ni Arjo, I don’t think so na gagawin niya ito unless siguro may permiso talaga galing kay Maine.

Kumbaga, walang malinaw na dahilan kung bakit ito gagawin ng isang tao o network sa Kalyeserye Sweetheart.

Kaya kalma na neysyun!

Maging kampante lang at bigyan ng full trust sina Alden at Maine.

Ikaw, ano ang opinyon mo sa usaping ito?

Alden Wala Nang Nagawa Tuluyan Nang Ipinatanggal Ng Network Ang Singsing Na Bigay Niya Kay Maine



Marami ang nadismaya ngayon nang malaman ito na diumanoy ipinagbabawal na kay Maine Mendoza na suotin ang singsing na bigay ni Alden Richards sa kanya.

Mismo ang channel 7 raw ang gustong ipatanggal ang bagay na ito lalo na pag-on cam ang dalaga.

Nauna na itong narinig ng mga fans ang nasabing isyu ngunit hindi ito nasunod noong una dahil hindi pumawag si Tisoy.

Nang tuluyan ng nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa mga makasarili na tao, kaya ito ang nangyari.

Noong una ay maraming ADN ang umalma sa nasabing balita.

Mabuti nalang at nakita nilang muli ito na suot ni Menggay sa offcam na okasyon.

Hindi man nila makita ang singsing sa daliri ng phenomenal star oncam, mas okay na sa kanila dahil pwede naman itong isout ni Maine offcam.

Sa ngayon ay kumalma ang na mga netizens sa nasabing isyu pero nakatoon pa rin sila at nag-oobserve kung ano ang magiging next move ng management nila Alden at Maine ngayong natapos ana ang teleserye ng Asia’s Multimedia star.

Ibabalik na ba ang ALDUB o ipagpatuloy nila ang planong bagong tandem nila Ruru Madrid at Maine at Alden with Julie Ann San Jose.

Kung sakaling hindi pa ibabalik ang loveteam ng dalawa, kung ikaw ang ADN, saan ka susuporta, sa loveteam ni Maine o Alden.

Write your comments below.

Maine Mendoza Nasabing Siya Pa Ang Napapasama Nang Dahil Sa Akin, Bakit Kaya Ito Ang Nabanggit Niya?


Maraming netizens ang nadismaya nang dahil sa nangyaring ito kay Maine Mendoza.

Siya pa tinutulungan sa aktres na ito, still naging masama ang pananaw ng iba sa ginawa niya.

Ang tinutukoy ng ilan ay ang pag-alalay ni Julie Ann San Jose kay Menggay noong Linggo sa Sunday noontime show.

Noong una ay marami ang natuwa sa ginawa ng aktres ngunit kalaunan ay binigyan na ito ng ibang kahulugan.

Ayon sa kanila, tila nagagamit na naman ang phenomenal star sa singer.

May gustong ipahiwatig ang ginawa niya.

Tama ba na akusahan si Julie sa kanyang intensyong pakikipagkaibigan ni Maine?

Bakit ba lahat ng tao na madikit sa Kalyeserye Sweetheart ay may kaakibat na negatibong pananaw?

Hindi na ba talaga pwedeng makikipagkaibigan si Meng sa iba at si Alden Richards lang?

Ito ang ilan sa mga katanungan nila sa nangyari.

Depensa naman sa iba, hindi naman masisisi ang ilang fans na ito ay maisip nila.

May isyu na kasi noon pa man kaya hirap nang magtiwala ulit.

Pero ang tanong, ang mga isyu noon ay may connection ba sa kasalukuyang pangyayari?

P.O.V.:

Para sa opinyon ko, walang masama na makikipagkaibigan si Maine sa ibang tao lalo na kung kasamahan sa showbiz.

Siya ang magiging masama kung ilalayo niya ang sarili sa iba.

Sana lang ay pagkakatiwalaan ang ating idolo at huwag agad mapanghusga.

Kung puro akusa na lang ang ating maibigay sa mga taong nakakapaligid sa dalaga, then, hindi na mabuti ‘yun.

Pati si Menggay ay madadamay at wala nang gustong makikipagtrabaho sa kanya.

Kalma lang tayo guys.

Mas pairalin natin ang ating pagtitiwala sa isang Maine Mendoza.

Maine Mendoza Tinawag Na Trying Hard Sa Taong Ito, Alden Richards Ito Ang Response Niya


Marami talagang mga mata ang patuloy na nakasunod sa mga ginagawa ni Maine Mendoza mapahanggang ngayon.

Hindi lang mga fans at bashers ang may interest sa kanya at pwedeng magbigay ng kanilang opinyon kundi pati ang mga taong ito.

Ang tinutukoy ng ilang netizens ay ang reporters at mga manunulat.

May nakapagsabi kasing maganda ang pakikitungo ng dalaga sa pamilyang Atayde matapos ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang mga larawan ng dalaga habang kasama ang kanilang pamilya.

Ayon kay Lolit Solis, masaya siya sa nakita niyang masaya si Maine.

Mas mabuti raw na hindi siya nagpadikta sa lovelife niya gaya ng ilang celebrities.

Kung Maine Mendoza siya noon, still Maine Mendoza pa rin siya ngayon.

Dagdag pa niya, natutuwa siya na trying to be close ang phenomenal star sa ina at kapatid ni Arjo Atayde.

Kaya mas lalo raw niya itong hinahangaan.

Narito ang buong caption ni Manay Lolit sa photo ng Atayde family with Maine posted on Instagram.


View this post on Instagram

Isa pang natutuwa ako Salve iyon pagiging open ni Maine Mendoza sa relationship niya sa pamilya ni Arjo Atayde. Iyon trying niya to be close sa mommy Sylvia Sanchez at mga kapatid ni Arjo. Kaya kahit may mga nega wala magawa dahil kung ano gusto ni Maine iyon ginagawa niya. Good for her na hindi siya pumapayag na diktahan lalo na pagdating sa lovelife niya. Good for Maine na honest siya sa feelings niya. Kaya tingnan mo, happy na siya at wala naman nasira sa trabaho niya at popularidad. Kung Maine Mendoza siya noon, hanggang ngayon andun pa rin siya, at happy pa. Maganda addition sa pamilya Atayde si Maine dahil ngayon pa lang sweet at close sila. So iyon mga nega, hayun, nega na lang puwede gawin. Pathetic losers. Hindi kasi tanggapin na may sariling mga buhay ang mga idol nila at hindi puwede na sundin iyon gusto nila. Kasi naman, dapat manood lang huwag makialam di bah? #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako
A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on
Samantala, super cool namang ibinahagi ni Alden Richards ang kanyang achievement sa katawan.

Sabi pa ng ilang fans, ito ay response ni Tisoy sa post ng batikang manunulat.

Dagdag pa nila, ibinahagi ng Asia’s Multimedia star ang pandesal niya.

Narito ang photo ni Alden posted on social media.



View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Tuluyan Nang Nag-iba Ang Ihip Nang Hangin Ni Sylvia Sanchez Kay Maine Mendoza Bakit Kaya?


As always kung may nasiyahan sa ginawa ni Maine Mendoza sa pamilyang Atayde, ang iba naman ay mayroon pa ring masasabi.

Ang tinutukoy nila ay ang pagbisita ng dalaga sa pamilya ni Arjo kamakailan lang.

Naging masaya kasi ang pagtitipon nila at may sayawan pa.

Ito ang ibinahagi ni Sylvia Sanchez recently sa kanyang social media.

Tila tuluyan nang natanggap ng nasabing pamilya ang phenomenal star.

Hindi tulad ng dati na may iba’t ibang reaksyon pa ang kanilang inilabas.

Mas kampante na ang magulang ni Arjo kay Menggay.

Winewelcome na nila ito with open arms.

Pati nga ang lola ng Kapamilya star ay nasiyahan din sa dalaga.

Nakisayaw pa ito sa dance moves ng “Tala” na tinuturuan ni Meng.

Kaya masasabi mo talagang okay na okay na at tanggap na nila ang aktres.

Sana lang ngayon ay matatanggap na rin ito ng lahat na fans ang sitwasyon ng idolo nila

As long as makita natin na masaya si Menggay sa mga makakasama niya, suportahan na rin natin ito.

Hindi naman mawawala ang AlDub.

Magpapatuloy na ito habang buhay kahit sino pang ayaw nito.

Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?

Play to Listen or Stream Here

Type Your Song Below

Send Message

Name

Email *

Message *