Marami ang masaya ngayong araw lalo na ang mga fans nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang malamang engage na ang dalawa.
Ang balitang ito ay agad kumalat sa social media matapos magpost ng photos ang aktor kung saan ay suot ng Popstar Princess ang isang diamond ring.
Hindi man nagconfirm ang dalawa hanggang ngayon tungkol dito ngunit kinumpirma naman agad ito ng kapatid ni Matteo na si Paolo.
Ang nasabing engagement ay nangyari na pala one year ago pa.
Nang dahil dito, bumuhos ang mga pagbati ng mga netizens lalo na ang mga fans ng dalawa.
Aside from them, bumati din ang mga artistang kasama nila sa industry.
Ang inaabangan ng lahat ngayon ay ang pagbati ni Alden Richards kay Sarah.
Ngunit alam na pala niya ang lahat dahil naging magkaibigan din sila at nagkasama sa Cebuana project.
Ayon sa fans nila, siguradong kinilig ang Asia’s Multimedia Star sa nangyari ngayon ng kaibigan.
Umaasa din ang ilan na darating ang araw na mangyayari din ito kina Alden at Maine Mendoza.
Unang nag-admit sila Mat at Sarah sa relasyon nila noon 2014 matapos ang higit isang taon bilang officially couple na sila.
Lahat ay nakaabang talaga sa kanilang relasyon hanggang ngayon.
Kaya happy ang lahat na sa wakas ay magiging happily ever after na sila soon.