Naging masakit sa lahat lalo na sa pamilya ni Jovit Baldivino ang kanyang pagkawala noong December 9 ng taong ito.
Matapos ang paghihirap niya ng limang araw sa ospital ay binawian ng buhay ito.
Ang nagpapahirap at pinakamasakit na naranasan ng kanyang pamilya ay ginawan pa ito ng sari-saring kwento ang paglisan niya sa mundo.
Ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagkawala ni Jovit?
Ayon sa magulang at fiancee nito recently, ang dahilan sa pagkawala ng singer ay ang stroke complications.
Bago ito dumalo sa isang Christmas party ay pinagbawalan na itong doktor na huwag magpagod at kumanta lalo na’t may hypertension siya.
Meaning kasalukayan pa sana siyang magpapagaling sana.
Nang dahil ay nag-request ang mga kaibigan nito na kumanta at makikipag-jamming ito sa kanila kaya pinagbigyan ito ng Pilipinas Got Talent champion.
Kitang-kita sa video online ang kakaibang anyo niya at hirap hapang kumakanta.
Kaya sabi ng iba talagang nagpapahiwatig na si Jovit at ang katawan niya sa kanyang condition.
Sa kabila ng lahat, tinapos pa rin niya ang tatlong kanta bago ito nadala sa ospital.
Limang araw na comatose siya ang nag-aagaw buhay at pagkatapos na limang araw ay hindi na nakayanan ng katawan niya at bumigay na ito.
Masakit man isipin ng lahat at nang pamilya nito, ngunit kailangan tanggapin ang pangyayari.
Hiling lang nila ay huwag ng gawan ng isyu at patahimikin na si Jovit sa kanyang pagpanaw.
Kasalukuyang nasa bahay ngayon sa Rosario, Batangas ang katawan niya.