Featured

The Future of Kim Chiu The Queen of Philippine Streaming

 Kim Chiu, affectionately known as the Philippines' Queen of TV Streaming, has solidified her reign with a series of remarkable accompli...


Advertisement

May Nangyari Palang Pagsita Kina Alden At Maine Habang Nasa Shopee Big Christmas Sale Event



Talagang sinusundan at may nakabantay pala sa kilos nila Alden Richards at Maine Mendoza noong Shopee Big Christmas sale na ginawa sa GMA-7 noong Linggo.

Hanggang ngayon ay ipinagbabawal pala sa kanila ang pagiging malapit sa isa’t isa lalo na pag may maraming tao.

Kitang-kita sa video ang pagkuha nang atensyon kay Meng nang super lapit na sila ni Tisoy.

Agad may pumunta sa stage para mapagsabihan ang dalawa.

Ngunit hindi nagpatinag si Alden at patuloy na dumikit kay Meng at napabulong pa.

Nang dahil dito ay ipinapababa ang Kalyeserye Sweetheart sa stage na ikinagulat naman ng Asia’s Multimedia Star.

Ang nagsabi sa kwentong ito ay isang netizen na kumuha mismo sa video na kumakalat ngayon sa social media.

Ang nasabing pagbabawal ay parte raw sa contract na pinirmahan ng dalawa.

Pwede naman silang magkalapit basta para sa trabaho nila.

Kaya ang sabi ng mga netizens na nakakita sa videong ito ay nakapagsabi na kaya pala walang katapusang chika ang ginawa nila lalo na si Alden dahil bihira lang ang pagkakataon na ibinigay ng management nila na magkausap o magkasama.

Dagdag pa nila, hintayin nalang ang 2020 kung saan ay matatapos na ang kontrata ng mga idolo nila.

Sa panahon na ‘yun ay malaya na nilang gawin ang mga bagay na ipinagkait sa kanila.

Ano ang reaksyon mo kung totoo nga ang pangyayaring ito sa buhay nila Alden at Maine?

Ito ang video na sinasabi nilang pagsita kina Alden at Maine na nangyari sa rehearsal ng nasabing event.



Alden Richards May Dinedma Dahil Nakatutok Lang Kay Maine Mendoza Habang Nasa Shopee Event


Muling pinasaya nila Alden Richards at Maine Mendoza ang mga ADN sa kanilang pagsasama sa iisang event ng Shopee noong Linggo.

Sobra ang tuwa nila dahil matagal na ding hindi nakita nila ang dalawa kahit man lang sa Eat Bulaga dahil sa busy ng schedule nila.

Kaya sobra ang pasasalamat nila sa nasabing kompanya dahil ginawa nila.

Dahil kasi sa company na ‘yon muli nilang nakita ang sweet moment offcam nila Tisoy at Menggay.

Nakita nilang muli ang mga bulungan at mga mata sa dalawa na sobrang saya.

Sabi nila, iba talaga ang aura nila Alden at Maine pagmagkasama.

Ang mga mata ng Asia’s Multimedia Star ay talagang sa phenomenal star lang nakatutok pag nandiyan siya.

Para bang wala nang makita pang iba ang binata pagnandiyan ang dalaga.

Base sa obserbasyon ng fans, iba ang titig ni Tisoy kay Meng at sa kanya lang nakikita nila ang ganoong tingin eversince.

At ito pa, kahit tawagin pa si Alden ng mga fans, parang wala itong narinig at dedma lang dahil nakafocus kay Maine.

Kaya mas lalong naging kampante ngayon ang totoong AlDub Nation dahil sa nakita nila offcam sa nasabing event.

Maghihintay pa rin sila sa tamang panahon para sa pinakamamahal nilang idolo.

Narito ang ilan sa mga video na nakuha sa Shopee event ng mga fans posted on social media.



Ebidensya Kuhang-kuha Sa Video Ang Pagkamiss Nila Maine Mendoza At Alden Richards Sa Isa’t Isa

Hindi man sabihin ni Maine Mendoza ngunit marami ang nakakitang matamlay siya noong Sabado sa Eat Bulaga.

Sobra kasing inspired ang kwento ng isang mag-asawang naging guest nila sa Bawal Ang Judgemental segment.

Kahit pilit na tumawa si Meng at makisabay sa karamihan, hinahanap pa rin ng netizens ang kinang sa kanyang mga mata.


May nagsabi na may sakit lang si Menggay kaya matamlay siya.

Ngunit ang sabi naman ng ilan,  tila may na mi-miss ang phenomenal star at walang iba ‘yun kundi si Alden Richards.

Matagal na kasing hindi sila magkasama ng ng Asia’s Multimedia Star dahil sa busy ng taping nito sa teleseryeng The Gift.

Pero bawing-bawi na ito ngayon dahil nagkasama na ang phenomenal loveteam sa Shopee event kagabi.

Super wild ang mga tao nang makitang magkasama ang dalawang idolo nila in one event.

May pasulyap-sulyap pa si Tisoy kay Menggay habang nasa nasabing lugar.

Kaya mas lalong kinilig muli at nabuhay ang AlDub Nation sa nakita nila.

Kitang-kita sa ebidensiya ang mga pabulong sa dalawa na nag-uusap na para bang sila lang ang nasa paligid kahit puno naman ito ng ibang artista.

Patunay na buo at solid pa rin ang ALDUB/MAICHARD.

Ano ang masasabi ninyo ngayon tungkol dito?

Narito ang ilan sa mga kumakalat na video kuha sa shopee event last night.



Arjo Atayde Ipinatapon Na Ng Ina Sa Ibang Bansa Para Makaiwas Na Kay Maine Mendoza Ang Katotohanan


Muling pinag-usapan ng netizens ngayon ang napabalitang diumano’y pagharang na ng ina ni Arjo Atayde sa pakikipagrelasyon kay Maine Mendoza.

Matapos ang birthday celebration ng anak noong November 5, pumutok ang balitang ipapadala ang Kapamilya aktor sa US para makaiwas na ito sa dalaga.

Natakot kasi raw ito na mapabayaan ang karera ng anak dahil always itong nakabuntot sa Phenomenal star.

Baka sa pagiging sunud-sunuran nito ay masasaktan lang sa huli.

Kaya ito ang napagdesisyunan ng pamilyang Atayde.

Una nang nagsalita noon ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

Talagang nag-alala raw siya sa kanyang kuya dahil ngayon lang siya nakakitang nagkaganito ang kapatid sa isang babae.

Ngunit kinontra ito ng ibang fans.

Ang idolo nila ang dapat mag-ingat at lalayo sa pamilyang Atayde.

Hindi raw ito nakakabuti para sa dalaga.

Wala mang malinaw na detalye kung totoo ba ang lahat ng ito pero iisa lang ang hiling ng mga taong tunay na nagmamahal kay Meng, take care sa puso mo.

Sana madiscern mo ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmalasakit sa pagkatao mo.

Ikaw ano ang masasabi mo sa isyung ito?

Actress Sobrang Patay Kay Alden Richards Nakitang Pilit Na Dinideskartehan In Public


Muli na namang binatikos ng netizens ang aktres na ito dahil panay dikit kay Alden Richards kahit in public.

Simula pa lang ng kanilang project ay nakitaan na ito na may interest sa binata.

Ang tinutukoy nila ay si Mikee Quintos.

Ayon sa mga nakakita recently, ang dalaga raw ang hahanap ng paraan para mapansin ng Asia’s Multimedia Star.

Hindi sila nagandahan sa ganong ugali niya.

Kahit nga sa social media ng akres ay panay ang kanyang mga parinig kay Tisoy.

Kaya mas lalong gigil na gigil ang ilang fans kay Mikee.

Sabi nila, kaya nababash ka dahil  sa mga ginagawa mo.

Bigyan mo rin ng konting respeto ang pagkababae mo.

Ngunit sa kabila ng mababatikos ng ilan kay Mikee, may dumepensa din sa kanya.

Sabi nila, super kulet lang talaga ang dalawang iyan kahit sa set ng the gift.

Kampante kami dahil may boyfriend si Mikee at si Alden naman ay may karapatan ding lumigaya.

Sana ay huwag agad manghusga ng kapwa kung hindi mo naman alam ang buong kwento ng mga nakikita mo.

Sana ay makakita na rin ng tamang babae si Tisoy para hindi magiging malamig ang pasko niya kahit papaano.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens tungkol sa isyung ito.

Gemma Capanzana - Nakita ko rin yan Nagulat nga ako Mismo sa harap ni Alden Tapos sumubsub pa nga mukha ni Alden sa braso ni Miki.

Cairon Macalunang - Halata talaga si mikee mapa eat bulaga at sa mga promo nila sa ibang lugar inaakit nya si alden parang si atayde kay maine

Sweet Maiden - Diyan Kayo Magaling Bash lang ang Alam Ikakaasenso niyo yan Halatang gusto lang siraan ang isang Artista Kahit marami pa FC niyo tandaan niyo Bilog ang Mundo Di niyo kase naiintindihan na matagal ng wasak ang Aldub kase may Arjo na si Maine Move on din pag may time Di naman Pala si Mikee ang Problema Kundi ang utak ng Fans nakakaawa naman kayo!

Leonita Espedido - May boyfriend si mikee guys kalaro pa ni Alden ng mobile legend sa set ng the Gift sa picture lang yan tingnan na nakapatong kamay ni mikee sa hita pero sa personal malayo yan close lang talaga sila Alden at Mikee tigilan nyo na si Alden at Mikee mahiya naman kayo masyado kayong bitter may pinag aralan yan si mikee sa UST yan nag aaral architecture ang course nyan may breeding si mikee kaya hwag nyo cyang igaya sa inyong mga fans na kulang sa pansin.

Play to Listen or Stream Here

    Type Your Song Below

    Send Message

    Name

    Email *

    Message *